Kath
"Ang sama-sama niya." pang-sampung beses na atang ulit ko, ilang beses 'pang bumulong-bulong ng kung anu-ano sabay muling ngumisi't tumagay ulit.
Napasinghap ako sa lasa't muling uminom habang patuloy na lumuluha ang mga mata't kinausap muli 'tong bote at ngumisi. "Ginamit niya lang ako, alam mo ba 'yun?" sabi ko pa't nag-order ulit ng panibago nang maubos 'yung iniinom ko.
"Alam na alam niya, Ma'am." agad na sagot nung babaeng nag-abot sa'kin nung inorder 'kong pepsi at sinabing, "Kung ako lang 'yung boteng 'yan, baka wala na 'kong ibang masabi kundi 'yan." sabi pa niya't tinalikuran ako habang umiiling-iling.
"Nak." rinig 'kong sabi ng isang babae sa batang lalaking kasama niya't agad nilayo mula rito ang iinumin na sana nitong pepsi at sinabing, "Wag ka nang uminom niyan, hindi pa ako handang magkaroon ng nababaliw—este, kulang lang naman sa katinuan na anak." aniya't tinitigan muna ako bago sila tuluyang umalis sa karinderya.
Umiling na lang ulit ako't muling uminom ng pepsi at sa pagka-inom ko niyon ay muling nagbalik sa'king alala ang mga simpleng salitang binitawan ni Shin pero parang kutsilyo sa talim na patuloy na sumasaksak sa puso ko, I love Kate, I really do.
"Waa!" sabay na napatingin sa'kin 'yung mga taong nakatambay rito nang hawak-hawakan ko 'yung bote ng pepsi at niyakap na parang bata lang. "Ang sama-sama niya kahit kailan! Pare-parehas lang sila, mga manggagamit!"
"Tama ka diyan." natigilan ako, unti-unting napa-angat ng ulo at nakakita ng white lady—este, isang babaeng naka-wedding gown pa't wasak na wasak na ang mukha sa nagkalat na makeup.
Bigo siyang umupo sa harapan ko't talagang nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang naglabas ng black coffee mula sa likod niya, oo, nag-magic ata, sabay inubos ito sa isang inuman lamang.
Mariin niyang pinunasan ang kaniyang labi gamit ang kaniyang braso at katulad ko ay nagwala—este, naglabas ng hinanakit rito. "Mga walang-hiya sila! Pare-parehas lang talaga sila!" sabi pa niya—oo, hindi talaga siya nagwawala—at naglabas muli ng kape mula sa bulsa niya.
Tumango ako, luhaang muling tumagay ng pepsi at tsaka inangat ito't hinarap siya. "Lets cheers, bestfriend!"
"Cheers!" sabi naman niya't agad pinagbangga ang baso niya sa bote ng hawak-hawak 'kong pepsi't sabay naming tinungga ito.
Napasinghap ako sa lasa, muling nag-order ng panibo—oo, acidic na talaga ako, at iinumin na sana ulit ito nang may biglang kumuha nito't inubos sa isang inuman lamang.
Nanggigiil 'kong hinarap 'kung sana mang epal ang nang-agaw ng pepsi ko pero agad ding natigilan nang makita 'kung sino siya.
"San burol, best?" pagtitig ko mula ulo hanggang paa kay Hannah at agad napa-isip kung pati ba bra at panty nito ay kulay itim rin katulad nung suot-suot niya mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Storie d'amore'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.