Chapter 15 * White Rose *

3.2K 61 9
                                    

Hannah 

"Alam mo ang ganda ko pala," masayang pagkakanta ko pa habang nakapikit ang mga mata't naka-angat ang mga kamay na parang may hinahabol na mataas na nota kahit na mababa lang namin talaga iyon at ibang-iba pa ang lyrics ng ikinakanta ko sa mismong kantang pinapatugtog ko sa'king tainga. "Pag tumawa ang aking mata, hinahabol mo ang bawat 'kong tingin. Ngunit mukha mo'y  di ko napapansin--"

"A-ah, miss?" bigla naman akong napatigil sa pagkakanta't nagtaas ng kilay sa babaeng kumalabit sakin at umepal sa music sessios ko't siyang nag-aayos ng kuko ko ngayon. Bigla naman siyang napalunok ng malalim bago sinabing, "M-mali po ang lyrics niyo--este, wag po kayong masyadong magalaw, baka mamaya maputol ko 'tong daliri niyo--I mean, 'yung kuko po niyo baka masira--" 

"What? Ano 'yun?" taas-kilay 'kong sabi't mas lalong pinagdikdikan sa mukha niya ang kuko 'kong kakatapos lang niyang nilisan at ngayon eh, nilalagyan na ng napili 'kong design. "May reklamo ka?" 

"A-ah, wala po." agad na sagot niya't dali-daling bumalik sa trabaho habang sinasabing, "Hehe. Sabi ko nga po, tama ang lyrics niyo. Ang ganda-ganda niyo. Haha!" 

Ngumisi naman ako't umayos na sa pag-upo, Buti naman alam mo! Tsaka taas-noong sinabing, "I know right? Hahahaa!" 

Kasalukuyan ako ngayong nagsasaya sa salon at sinasagawa ang aking 'beauty day' kahit na sa Sabado pa naman talaga dapat 'to't ngayon eh, naka-tatak na sa schedule ni Ma'am na may papasagutan sa aming long quiz na wala naman talaga akong balak sagutan.

Mabuti na lamang at talagang mabait sa akin ang tadhana't umayon sa mood 'kong tamad pumasok dahil wala kaming pasok ngayon, hindi dahil sa may bagyo o kung ano kundi dahil sa nirentahan ni Shin ang buong school namin ngayong araw at minanyak ulit si Kath--este, sinurpresa ito dahil Wedding Anniversary nila ngayong araw. 

Napangisi na lamang ako't malawak na napangiti nang mapatingin sa kuko 'kong tapos na ngayong ayusin at may pangalang kumikinang na nasa mismong gitna ng kuko ko. Napakagat-labi ako't muling naalala ang kaniyang mukha nang makita ang pangalan niya rito, Shaun. 

Napabuntong-hininga ako nang muling maalala ang lahat ng nangyari noong gabing iyon, ang gabing una ko siyang nakilala't naging pinaka-masayang araw ng buhay ko. 

I sighed dreamily as I remembered him, tightly holding my hand, guiding me and is slowly swaying me as he stared deeply in to my eyes. Napahawak ako sa puso ko't napapabuntong-hiningang napahiga sa sofa rito sa salon. 

"Ma'am? Ok lang po ba kayo?" rinig ko pang tanong sa akin nung babaeng kaninang nag-ayos sa kuko 'ko.

Hindi ko siya pinansin, patuloy lamang ako sa pagbubuntong-hininga't pagngingiti ng wagas habang sinasabing, "Hay, Shaun. I love you, I love you na talaga." sabay kuha ko pa sa picture niyang nakadikit sa wallet ko't hinalik-halikan ito sa labi. "Oh my, I love you so, so, much!" 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon