Chapter 55 * Right here, Right now *

1K 27 4
                                    

Kath


"Oh no!" Malakas na sigaw ng mga tao, nakanganga pa't 'tila hindi makapaniwala sa kanilang mga nakikita.


"Mrs. Aguilar!" Nanggigigil na tawag ng aming Principal sa'ming class adviser na 'tila hindi mapakali't hindi rin alam ang gagawin habang nakatitig sa kaniyang harapan, walang tigil 'pang napapakagat sa kaniyang kuko't kulang na lang ay magdasal para sa kaniyang kapalaran. "Anong kababalaghan 'toh?"


Napalunok na lamang ng malalim si Mrs. Aguilar, parang kawawang tutang mangiyak-ngiyak na lamang na tinititigan pabalik ang 'tila bulkang malapit nang sumabog na School Principal namin kasabay ng unti-unting pagtutok ng ilaw sa taong nasa harapan namin.


Nakangisi siya, mahigpit na hawak-hawak ang mikropono't sinabing, "Amoy ulam na ba kayo?"


Napaface-palm na lamang ako, pinipilit iwasan ang taong nasa harapan ko pero, kahit anong gawin ko, wala akong magawa, wala akong kawala.


Ayan siya, si Nicole na todo-birit 'kung sumayaw at walang-tigil sa pagkantang, "Lets do the rabadabango, downy's rabadabango~"


"Sino?" Hindi makapaniwalang sabat ni Kc na nasa likod ko lang pala't patuloy na tinititigan ng masama ang 'tila mga natatarantang kaibigan niya. "Sinong nagpakawala sa alaga 'kong baliw at lumaklak ng Downy kaninang umaga?"


"SIYA!" Sabay-sabay namang sagot nung dalawa, dinuro-duro pa ang isa't-isa't sabay 'ding sinabing, "Sisihin mo si Darla!"


Napa-iling na lamang ako, ilang beses na nagpakawala ng mabibigat na hininga't kulang na lang ay muling mapaface-palm dahil sa bago nanaman nilang kalokohan at sa talagang napaka-gandang 'Intermission' ni Nicole.


"Hindi maaari..." Bigla akong napalingon sa'king likod nang marinig ang boses na iyon, nagulat nang makita ang isang babaeng punong-puno ng dumi ang damit at 'tila dinaanan ng sandamakmak na bagyo ang kawawa niyang buhok. "Ako dapat ang nagpe-perform diyan, ako dapat ang nandiyan at hindi ang babaeng iyan 'kung hindi niya lang ako dinala sa isang bodega at ninakawan ng microphone!"


Napabuntong-hininga ako, ilang beses na napamasahe sa noo dahil sa narinig ko't nagulat na lamang nang maramdaman ang biglang paghawak sa'kin ng mainit na kamay na iyon.


Unti-unti akong napalingon at natigilan nang makita roon si Shin na malawak na nakangiti sa'kin habang sinasabing, "Are you ready?"


Napahinga na lamang ako ng malalim, 'tila hindi alam ang sasagutin sa naging tanong niya't tipid na lamang na ngumiti at tsaka sinabing, "I don't have a choice but to be ready, right?"


Napangisi siya dahil sa isinagot ko, mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko't malawak na nakangiting sinabing, "I know you'll do good. You're Mrs. Cordillia, right? And the word's 'giving up' was never a part of my wife's vocabulary." Aniya't mahinang ginulo ang buhok ko. "You'll do just fine, I know you will."


Malalim na lamang akong napabuntong-hininga, hinawakan pabalik ang kamay niya't muli ay napalunok dahil sa sobrang kaba nang muling makita ang stage na nasa harapan ko, 'yung stage na ilang saglit na lamang ay unti-unti na naming lalapitan at gaganapan ng aming sayaw.

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon