Chapter 25 * Speechless *

2.6K 41 11
                                    

Hannah 

Shit, shit, shit! Paulit-ulit na pagmumura ko't ilang beses pang napalunok nang makitang tumakbo si Kath papalabas at lumayo matapos niyang bitawan ang mga matitigas at masasakit na mga salitang iyon kay Shin. 

Napanganga ako, ilang beses ding napabuntong-hininga dahil sa nangyari. 

"Shit." agad kumunot ang noo ko nang marinig ang boses na iyon at nilingon ang ngayong katabi ko na pa lang si Shaun na katulad ng iba ay 'tila naguguluhan rin sa mga pangyayari't hindi mapakali dahil nasira ang plano niyang pag-ayusin ang dalawa. Napasarado siya ng kamao at sinabing, "This is my fault, all my fault." 

"Stop that." inis 'kong sabi sa kaniya't hinarap siya nang may seryosong mga mata, isang beses pang bumuntong-hininga at sinabing, "We all know what really happened, don't blame yourself. " 

Napabuntong-hininga siya, 'tila hindi alam ang gagawin at hinarap akong may nanginginig at hindi siguradong mga mata. Tipid siyang ngumiti at sinabing, "I hate myself for not being able to help them." 

Napalunok ako't hindi mapigilang sabihing, shet. Bakit kahit mukha siyang hindi sigurado, ang gwapo pa din niya? Agad akong umiwas ng tingin, mahirap na, baka mamaya malaman niyang hinuhubaran--este, minamanyak ko na siya sa isip ko. 

Umirap ako at kunyaring nai-inis na sinabing, "Sure, go on. Hate yourself." Nandito naman ako, nagmamahal sa'yo. Gusto ko sanang idagdag kaso biglang napatigil nang muling maalala lahat ng sinabi niya sa akin. 

Napakagat-labi ako't mariing napa-iwas ng tingin, he already loves someone else. He already does. Malalim akong huminga't muli siyang hinarap pero agad ding napatigil nang makita ang mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin. 

Napalunok ako, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko't 'tila hindi matigil-tigil lalo na nang ang mga mata niyang kaninang diretsong nakatingin sa mga mata ko ay unti-unting pumailalim hanggang sa tumigil ito sa labi ko kasabay ng pagkagat niya sa kaniyang labi. 

Napakagat-labi rin ako nang kasabay niya ay unti-unti ring lumipat ang tingin mula sa kaniyang mata patungo sa kaniyang labi.

Dahan-dahan, lumalapit siya, 'unti-unting sinasarado ang agwat naming dalawa kasabay ng pagsasarado ng mga mata ko pero agad ding napadilat nang marinig ang sunod na sinabi niya. 

"M-may dumi." aniya't halos mapanganga ako nang ilagay niya ang kamay niya sa gilid ng labi ko't nanginginig ang mga kamay na pinunasan ang dumi rito. Napa-awang ang bibig ko, 'tila hindi makapaniwala sa ginawa niya pero agad ding napatikom nang dahan-dahan siyang tumayo't naglakad papalayo sa akin. 

Napakagat-labi ako, ilang beses pang napa-mura't napadabog na lamang ng mga paang sinabing, shit! That was close! So close! 

"Ma'am," nagulat ako nang maramdaman ang pagkalabit sa akin ng isang waiter, nilingon ko siya't tinaasan ng kilay kasabay ng pagsabi niyang, "Maawa naman po kayo sa tiles, wala na ngang buhay ginagany--Ay, opo, Ma'am. Go lang ng go Ma'am! Sige po, i-Pacquio niyo pa 'yung tiles, Ma'am! Haha!" sabi pa niya't agad naglaho sa paningin ko matapos ko siyang pandilatan ng mga mata. 

Napabuntong-hininga na lang ako't agad ring tumayo para pumunta ulit sa Pantry, kumuha ng pizza at aktong kakagatin na ito nang maramdaman ang muling pagkalabit ng kung sino sa akin. 

Nakanganga ko siyang hinarap habang nakataas ang dalawang kilay ko--oo, dalawa talaga--kasabay ng nanginginig niyang pagsabing, "A-ah, mamaya pa po iseserve 'yan, Ma'am--Este, sige lang po, Ma'am! Enjoy your food. Happy eating!" 'tila nagmamadaling sabi nito't agad nawala sa paningin ko nang dahan-dahan 'kong tinanggal ang killer boots ko't pinakita sa kaniya ang napakatulis na takong nito. 

Napasimangot naman ako't mariing kinagat ang pizza, ilang beses pang ngumuso-nguso at sinabing, "Labag na ba sa batas ang magpakasaya sa pagkain? Inis. Kumakain ang tao rito eh--" 

"Oo, bawal talaga." nagulat ako't napatigil sa pagmu-murder sa pizza nang marinig ang boses na iyon. Unti-unti akong lumingon kasama ang naka-angat ko pa ring hawak-hawak na pizza at halos mapanganga nang saktong pagharap ko ay isinubo ni Shaun sa kaniyang sarili ang pizza na hawak-hawak ko. Bawat kagat niya'y pahigpit ng pahigpit ang paghawak niya sa'kin at sa paglunok niya ay diretso lamang siyang nakatingin sa akin. 

Napakagat-labi ako't hindi mapigilang sabihing, shet ang sexy. 

Matapos niyon ay ngumisi siya sakin at akala ko eh, tapos na siya sa unti-unting pagkuha ng oxygen ko nang bigla na lang niyang pinwesto sa gilid ng kaniyang labi ang kamay ko't katulad ng ginawa niya kanina ay pinunasan ang dumi ruon. Napa-awang ang bibig ko kasabay ng nakangisi niyang pagsabing, "Sorry. May dumi eh." 

Napalunok ako ng malalim at matapos niyon ay agad ini-agaw mula sa kaniya ang kamay ko, shetness talaga! Ang hot-hot niya! 

Pero natahimik ako nang muling maalala ang pangalang binanggit niya kahapon. Natalie.. Si Natalie ang mahal niya. 

"A-ah." napakagat-labi ako nang marinig ang sarili 'kong nanginginig habang nagsasalita sa harapan niya. Madiin 'kong kinurot ang sarili 'kong dalirit nag-isip ng sasabihin dahil sa totoo lang, wala akong masabi. I'm speechless, so speechless. 

"Hannah." nanlaki ang mga mata ko nang marinig niyang banggitin ang pangalan 'ko. Unti-unti akong humarap sa kaniya't inangat ang ulo ko kasabay ng seryoso niyang pagtitig sa akin, paghawak sa mukha ko't pagsabing, "The girl I saw in the Park, the girl that is so much special to me, that 'her' I am saying is no other than--" 

"Babe." napatigil ako, 'tila na-estatwa sa kinatatayuan ko't hindi na talaga magawang makahinga nang marinig ang boses na iyon. 

Unti-unting lumingon si Shaun, hindi nagawa pang tapusin ang sinasabi niya't katulad ko ay hindi rin makapaniwala't napanganga na lang nang makita ang taong nasa harapan niya. 

Dahan-dahan 'tong lumapit, hinawakan ang pisngi niya't halos mawalan ako ng hininga sa sumunod niyang ginawa.

"Happy Birthday, babe." nakapikit pa ring mga matang sabi niya habang si Shaun hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mga mata't 'tila hindi makapaniwala sa mga nakikita niya.

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata niya't sa pangalawang pagkakataon ay muling hinawakan ang pisngi ni Shaun at sinabi ang mga salitang nais 'kong sabihin sa lalaking hinalikan at ngayon ay hawak-hawak na niya."I love you." 


Napanganga si Shaun, ni-hindi nagawang sumagot sa kaniya't ang tanging nasabi na lamang ay ang pangalang kinatatakutan ko, ang pangalang kahit kailan ay ayaw 'kong marinig lalo na kung manggagaling ito mismo sa kaniya. 

Napakagat-labi siya't nanginginig ang labing sinabing, "Natalie. 

***

Author's Note: Hey guys. Last update for today! Yey! Thanks for reading, vote and comment please? :)

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon