Chapter 36 * My Prince *

1.9K 46 0
                                    

Hannah 

"Babe?" 

Ang boses na iyon.. Ang boses na tumatawag sa kanya, minamahal niya at ang siyang sumasaksak sa puso ko ng sobra pa sa sobra. Napatigil ako, pakiramdam ko, nanigas ang buong katawan ko at naging yelo habang hawak-hawak niya ang kamay ko. 

Dahan-dahang puma-ilalim ang direksyon ng mga mata niya, sa bawat galaw ay 'tila unti-unting namamatay ang puso niya hanggang sa magtapos ito at tumigil sa kamay naming dalawa. 

Napalunok ako. Alam ko, mali ito. Dapat ay bumitaw ako at lumayo sa kanya ngunit, hindi ko magawa. Masyadong masakit tanggapin na ang mga kamay na ito ay para sa iba. 

Nandun lamang kaming tatlo, 'tila hindi makahinga at naubusan ng mga salita sa mga nakita ng aming mga mata nang biglang..

"Hannah!" 

Napakurap ako, 'tila muling gumalaw ang oras at napabalik ako sa tamang katinuan nang bumukas ang pinto at magpakita ang kaklase 'kong kaninang tumawag sa akin at ang siyang nagpapabigay ng camera kay Ma'am. Lumapit siya sa amin at agad akong napabitaw sa hawak ng kanyang mga kamay bago pa siya makalapit sa amin. 

Napatigil siya. Muli siyang humarap sa akin at sinubukang hulihin ang aking mga tingin nang tumalikod ako at humarap sa isa pa naming kasama. 

Sinubukan kong alisin ang kahit na ano mang pahid ng kalungkutan mula sa'king mga mata at ngumiti ng malawak sa kaniya. "Oh, Kc. Bakit ka nandito? Hindi ba't magseserve ka pa? Sige na, ako nang bahala dito. Ibibigay ko na 'toh kay Ma'am, wag kang mag-alala---"

"Ikaw na." Napakunot ang noo ko at napatigil sa pagsasalita. Napakamot naman siya sa ulo nang makita ang nagtatakang itsura ko at tsaka muling nagsalita. "Ano ba. Ikaw na nga sabi. Turn mo na para kumanta." 

Napatigil ako, pakiramdam ko binuhusan ako ng sandamakmak na yelo sa Ice Bucket Challenge sa mga narinig ko. "A-ano?" Kakanta.. Kakanta ako?

Umangat naman ng abot langit ang kilay ni Kc at tsaka muling sumagot. "Bingi lang 'teh? Kakanta ka na nga. Kaya, tara na!" nagulat na lang ako nang bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila ako papasok. "Kailangan bilisan natin! Aayusan ka pa!" 

Mas lalo akong napanganga sa mga sinabi niya. "A-ano? Aayusan? Kakanta? Ano bang mga pinagsasabi mo? Bakit ako kakanta? Bakit ako aayusan? Tapos naman nang kumanta sina Kath at Shin diba?" 

Napabuntong-hininga naman siya ng sobrang lalim at tsaka muling humarap sa akin at napahawak sa kanyang bewang. "Yung totoo, dadada ka pa? Alam mo ba kung anong petsa na?! Dyusko, naiinip na ang mga tao! Baka magsilayasan na sila sa cafe pag wala pang nag-entertain sa kanila. Kaya... TARA NA!!" 

Napanganga na lang ako at 'tila kawawang tutang sunod nang sunod sa kanya. Oh dyusko... "TULUNGAN NIYO PO AKO!" 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon