Chapter 47 *Brown Eyes *

1K 25 3
                                    

Kath


"Oxygen, where are you?" hingal na hingal na pagmamakaawa ko, ilang beses 'pang napalunok ng sariling laway sa sobrang uhaw at sinubukang i-angat ang kamay upang maghanap ng hangin-parang sira lang na naghahanap ng wifi pero, kahit anong gawin ko, wala... Walang hangin! Sabi nga sa kanta ni Chris Brown at Jordin Sparks... No air! Oh my hotness-este, oh my gosh pala.. I need air!


"Damn Kath, stop that." Hingal 'ding sabi ni Shin at katulad ko ay parang mapuputulan na rin ng hininga. Basang-basa ang buhok niya't patuloy na tumutulo pababa sa gwapo niyang mukha ang pawis niyang kahit anong gawin mo eh, mas lalo pa atang nagpapabango sa kaniya. Napakagat-labi na lang ako habang nakatitig sa kaniya, shet. What is air? "C'mon, let's start again-"


"Heh! Anong let's start again?" inis na sabi ko, pinagtaasan pa siya ng kilay at sinabing, "Matapos mo akong pagudin, magsi-second round pa tayo?"


Napangisi na lamang si Shin, inilahad sa'king harapan ang kamay niya't parang manyak na kaka-score lang na sinabing, "Of course, we need to do it over and over again. Sabi nga nila, practice makes perfect-"

"At sabi din nila, nobody is perfect so why make practice pa, diba? Like, duh!" inis 'pang pangi-irap ko sa kaniya't muli ay pinagtaasan siya ng kilay.

Napatawa na lamang ng malakas si Shin, hindi pa 'din binabawi sa harapan ko ang nakalahad niyang kamay kahit ilang beses ko na itong ini-iripan at patuloy na ini-ilingan. "C'mon Kath, stand up. We need to make everything perfect and we can only do that if you'll cooperate with me."

Napabuntong-hininga na lamang ako, tumayo na mula sa pagkakahiga sa damuhan at sa unang pagkakataon sa loob ng halos buong araw na naming pagsasama ay hinarap na ang kamay niyang kanina 'pang nag-aaya sa'king tumayo. Inabot ko ito at sa pangalawang pagkakataon ay muling nagpakawala ng malalim na hininga.


"Bakit pa ba kasi ako ang napili mo?" pagod na paghaharap ko sa kaniya, tinitigan siya ng diretso sa mga mata't sinabing, "Marami namang ibang magagaling diyan, marami 'pa ngang ibang babae diyang handang isuko ang sarili nila sayo, makasayaw ka lang pero, bakit sa lahat ng tao, ako pa talaga, Shin-"

"Was it really hard to understand that I only want you and nobody but, you?"

Napalunok ako, gulat na napatingin sa kaniyang mga mata't napatakip pa ng bibig na sinabing, "Oh my gosh, hindi mo naman sa'kin sinabi, kalian ka pa naging Kpop fan-"

"Tss." Isang salita't tatlong letra lang na nagmula sa labi niya, agad na 'kong napatahimik at parang ewan lang na napa-zipper na lamang ng bibig habang tahimik na sinasabing, tsk, sabi ko nga, tatahimik na. "I'm serious, Kath."

Napalunok ako, ilang beses 'pang sinubukang maghabol ng hininga pero hindi ko 'rin nagawa nang bigla niyang hawakan ang kamay ko't iniharap ako sa seryoso niyang mga mata't sinabing, "Was it really hard to understand that I want nobody else but, you? That, I want to dance no one unless that someone is, you? Tell me, Kath." Seryoso niya akong tinitigan at hirap na sinabing, "Are you that stupid in English that you can't understand everything I said-"

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon