Chapter 17 * Ate? *

3K 59 8
                                    

Kath 

"Aray ko po." rinig 'kong sabi ng tatlong 'kong kaklaseng naka-upo sa'king likuran matapos makuha ang kanilang testpapers at mapalo lang naman sa ulo ni Ma'am ng kaniyang dumadaginding na makapal na libro. Napasimangot ako habang nakatingin sa kanila, tsk, tsk. Kawawa naman.

"Grabe ka talaga, Ma'am!" drama pa nila matapos silang sabay-sabay na paluin sa ulo at sinabing, "Pinahirapan mo na nga kami't lahat-lahat sa exam, pati ba naman sa harapan ng mga kaklase namin, kailangan mo pa kaming saktan? Omaygad!" sabay lumpasay nung isa sa sahig habang sinasabing, "Ang sakit mo naman sa feelings, Ma'am--" 

"Sige, baka gusto niyo pa ng isa pang palo sa ulo?" naka-taas kilay na tanong ni Ma'am tsaka ngumisi, "Sige lang. Handa-handa 'tong libro 'ko." 

Bigla namang nagsi-lunukan ang mga baliw tas sabay-sabay sinabing, "A-ah. Ayaw na po, Ma'am! Hehe. Joke lang po 'yun, haha! We love you, Ma'am! We love you talaga!" sabi pa nila't sabay-sabay na nag-flying kiss at nagsitakbuhan pabalik sa kanilang upuan. Napa-iling na lang ako, tss. Mga baliw talaga.

Napalunok ako, nanginginig ang mga kamay habang hawak-hawak ang aking testpaper at 'tila hindi makahinga ng maluwag. Shit, naibulong ko na lang sabay aktong itatago 'toh patalikod nang bigla akong kalabitin ni Kc, 'yung babaeng baliw--este, matino-tino naman kahit papaano na intsik at panay hugot na nakatabi 'ko nung exam at isa sa mga nabiktima lang naman ng makapal na libro ni Ma'am.

Matalim ang titig niya sa'kin at parang leon lang sa bagsik na nagtanong, "Lecheng number one 'yan, anong tamang sagot?"

Muli akong napalunok at agad na itinagong muli ang result ng exam 'ko saking likod. Shemay, sabi ko pa't muling napabulong, malaking gulo 'toh! "A-ah, diba ako 'yung pinagkopyahan mo nung exam? Siyempre hindi ko alam, parehas lang tayo ng score!" napapakagat-labing sagot ko. Utang na loob, lumusot ka!

"Ah, oo nga 'noh?" sagot niya't 'tila'y napapaisip sabay talikod na sa'kin at bumalik roon sa kaniyang grupo. 

Napahinga ako nang malalim nang masilayan ang likod niya't aktong titignan muli ang testpaper 'ko. Phew, muntikan na---Ay si Kc ang unang aswang este--baliw! 

"Sure ka? Talagang mali ka?" nagpa-puppy eyes pang dagdag niyang agad 'ko namang sinagot habang napapakamot ng ulo. 

"Oo nga! Alis na! Alis!" 

"As in, Kath?" sabi pa niya't hinawak-hawakan ang kamay ko. "Sure ka talaga?" 

"O-oo nga!" sabi ko pa't napakamot ng ulo habang pabulong-bulong, Waa, umalis ka na diyan please lang. Alis na! "Sige na, paglalamayan 'ko pa ang testpaper 'ko. Alis!" 

Napapakamot naman siya sa ulong agad na umalis sa likod ko kasabay ng paghinga 'ko ng malalim at tsaka muling tinignan ng malapitan ang testpaper ko. Napanganga ako't nanlaki ang mga mata. Shit, malas talaga!

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon