Chapter 8 * Lotus Feet *

4.3K 80 7
                                    

Kath

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Shin, kagat-kagat ang labi ko't kanina pa paatras ng paatras palayo pero kahit anong gawin ko, wala akong magawa. Masyado siyang malapit, yung TV.. sobrang malapit! Na halos, hindi na ako makahinga. Wala akong kawala.

"Si Nanay, si Tatay.."  

"Waa!" 

Napapikit na 'ko ng mga mata, mas lalong hinigpitan ang kapit kay Shin habang nakakagat labi pa ring halos maglaway na 'ko ng dugo. Dali-dali rin akong nagtago sa likod niya habang naglalakad si Lotus Feet. Kainis, bakit na ba ganito ang mga tao ngayon? Bakit mahilig na silang manakot ngayon? Ahuhu. Ansakit sa ovary.

"Hey." napatigil ako sa pagtatago ko sa likod niya nang marinig ko siyang magsalita. Akala ko, sa wakas ay natamaan na din siya ng konsensya niya't bibigyan na rin ako ng popcorn na sa akin niya talagang pinagawa pero siya naman ang kumain, kasi puro na lang daw ako kain--kaya nga daw ako tumataba at kasing-bigat na ng dumbell eh, tsk.--tas 'yun daw ang parusa ko kasi pinaglinis ko daw siya ng bahay nung nakaraan. 

Napasimangot ako. Hindi ko naman kasalanan kung pinanganak akong may talento sa pagluluto pero, puro X naman ang makukuha 'pag sumali sa Pilipinas Got Talent at gawaing bahay ang talent. 

Pero siyempre, akala ko lang yun at katulad nga ng sinasabi nila, maraming namamatay sa maling akala katulad ng kung paano namatay ang sikmura ko nang sabihin niyang.. "Chansing ka ah, tignan mo kung san ka humahawak. Dahil diyan, wala ka talagang popcorn." 

Napasimangot ako. Kainis! Ang daya talaga nito. Pero agad ding naglaho ang nakasimangot kong pagmumukha at napalitan ng panlalaki ng mata nang malamang hindi lang pala ako nakahawak sa kung saan kung hindi duon sa mismong abs niya. Napakagat-labi na lang ako. Naman, Kath! Napaghahalataan ang malaswa mong pagpapantasya sa asawa mo eh! 

Nakanguso ko namang ibinawa ang kamay ko duon sa abs niya at muling itinuon na lamang ang pansin sa pinapanood namin pero agad ding nagbago ng isip nang makitang may nahulog na kung sino mula sa taas. 

Napanganga ako kasabay ng muling paghawak ko sa abs ni Shin--este, pagyakap pala sa bewang niya dahil sa sobrang takot. Waa! Goodluck na lang sa akin kung makakatulog pa ako mamaya. 

"Tsk." nakangising rinig kong sabi naman ni Shin pagkayakap ko sa kaniya kasabay ng mas lalo niyang pagyakap sa akin ng mas mahigpit. I-i can't breathe. "Ikaw talaga, chansing ka masyado. Napaghahalataan ka tuloy." sabi pa niya tsaka tumawa. 

Tinignan ko naman siya ng masama at tsaka dali-daling inilayo ruon ang kamay ko at difensive pang sinabing, "Luh. Chansing ka diyan, baka kamo ikaw--AH AYAN NA SIYA!" sabi ko sabay yakap ulit sa kaniya kasabay ng malakas na pagtawa niya. 

"Tignan mo, talagang sa abs ko yumayakap!" Napasimangot na lang ako sa sinabi niya sa kabila ng malakas niyang pagtawa.

At siyempre, dahil sa likas nga akong matatakuting bata. Ano pa nga bang aasahan niyo? 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon