Chapter 28 * 3 Words *

2.5K 44 12
                                    

Kath 

Anong oras na ba? Napatingin ako sa orasan ko at napangiwi nang makitang 8:30 na ng gabi. Napakagat-labi ako't muling napatingin sa traffic pa 'ring kalsada. Napasimangot ako't nasabing, damn, 9:00 pm ang flight ni Shin! Kailangan ko siyang maabutan! 

Ilang beses na 'ring napapairap si ate Elaine dahil sa sobrang tagal ng traffic, halos 15 minutes na kaming nakatambay lang dito't hindi gumagalaw dahil sa sikip ng kalsada.

Nang mag-green light na ay agad hinanda ni ate Elaine ang makina't dadalhin na sana ako sa kalangitan dahil sa bilis ng kaniyang takbo nang bigla na lang may humintong sasakyan sa harapan namin at nakipag-usap sa isa pang sasakyang sa kabila naman ang daan. 

"Shit!" nagulat ako sa biglaang pag-sigaw ni ate Elaine at halos lumuwa ang mga mata ko nang bigla niyang binuksan ang bintana sa gilid niya't malakas na sumigaw, "Natatae na ako! Tinatawag na ako ng kalikasan! Bwisit, kailangan na ako ng inidoro!" sabi pa niya't pinandilatan ng mga mata ang mga lalaking 'tila namutla ang mga mukha't agad namang nawala sa paningin namin nang mariing sinakal ni ate Elaine ang sarili niya't dinuro-duro 'yung dalawang lalaki, you're dead.

Napa-iling na lang si ate Elaine dahil sa pangyayaring iyon at mabilis muling pina-andar ang sasakyan at bumyahe. Napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt 'ko't napakagat-labi, shet. Ako ata ang natatae dahil sa kaba dito eh!

Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa airport, agad naghanap ng parking space si ate Elaine at nang makitang aktong uunahan siya nung isa sa pwestong pinili niya ay muli niyang binuksan ang bintana niya't mariing ngumisi't mabilis pa sa segundong ipin-westo ang kotse niya.

Shet, shet, shet, sabi ko't hinawak-hawakan ang katawan ko nang tagumpay na na-ipark ni ate Elaine ang kotse't muling nginisian 'yung lalaking nais din sanang makuha ang pwestong ito. Nanlaki ang mata ko't tinitigan pa ang sarili 'ko habang hinahawak-hawakan at sinusulyapan ang katawan ko, buhay pa ako, diba? I'm still alive?

"Kath!" nagulat naman ako't biglang napatigil sa katangahang ginagawa nang malakas akong sinigawan ni ate Elaine at sinabing, "Limang minuto na lang at aalis na si Shin, ano 'pang ginagawa mo diyan?" 

Para naman akong binuhasan ng malamig na tubig at halos mawalan ng hininga dahil sa isinigaw niya, agad 'kong tinanggal ang seatbelt 'ko't natatarantang lumabas ng kotse kasama si ate Elaine. Napahawak ako sa dibdib ko't marahang humiling habang papalapit na kami sa loob, pinagdikit 'ko pa ang dalawang kamay ko't napapapakagat-labing humiling, Please, don't leave me, Shin. Don't leave me.

Napalunok ako nang makita ang napakaraming taong nandito, may iilang hawak-hawak ang kanilang mga cellphone at may kinakausap, may iba 'ring hawak-hawak na ang maleta nila't hinanda na ang sarili sa pagpasok sa loob. 

Napakagat-labi ako't mariing ipinikit ang mga mata ko nang makitang tatlong minuto na lang ay aalis na si Shin. Malalim akong napalunok at sinabing, he'll stay, right? For me, he'll stay. 

Agad naming hinanap ni ate Elaine si Shin, magkabilang daan ang tinahak namin at napahawak na lamang ako sa dalawang tuhod 'ko't hinihingal na napatingin muli sa mga taong nandito, umaasang isa sa kanila si Shin pero kahit halos malibot ko na ang buong airport, ni-bakas ng kaniyang mga paa't kahit makita man lang ang likod niya ay hindi 'ko nagawa. 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon