Kath
"Kath.." nakaface-palm na hindi ko na alam 'kung 'pang-ilang beses na bang pagtawag sa'kin ni Shin, isang beses pa siyang huminga ng malalim bago ako muling hinarap at 'tila mau-ubusan na ng hiningang sinabing, "We're dancing, ok? We are seriously not on a war so please, stop trying to kill me with those heels."
Napakagat na lamang ako sa kuko ko dahil sa kaniyang sinabi, tinupunan ng masamang tingin ang suot-suot 'kong heels na halos abutin na ang langit sa sobrang taas at tsaka nakangusong sinabing, "S-sorry, Shin." Sabi ko't napayuko ng ulo habang bumubulong-bulong, nakalimutan ko kasing tao pala 'tong kasayaw ko at hindi monster na kailangan ko nang patayin-Ay pagong na naka-heels!
Nagulat na lamang ako't talagang nanlaki ang mga mata nang bigla ko na lang naramdaman ang sarili 'kong naka-angat at 'yung lupang kaninang ina-apakan ko ay hindi ko na abot-kamay nang bigla na lang akong buhatin na parang sako ni Shin!
Napanganga ako, inis siyang tinignan at walang tigil na pinagpapalo siya sa likod habang sinasabing, "Hoy! Ibaba mo ako! Alam 'kong maliit ako pero naman, Shin... Parehas lang tayong tao! Araw-araw umuutot at dumudumi! At isa pa, hindi mo na kailangan 'pang ipamukha sa'kin 'kung gaano ako kabigat dahil matagal ko nang tanggap 'yun!"
Malakas na lamang na napatawa si Shin dahil sa sinabi ko, ilang beses 'pa niyang ginulo ang buhok ko kahit halos suntukin ko na 'rin siya para lang mai-baba niya ako mula sa pagkakahawak niya sa'kin pero bigla na lamang ako't napatigil at natahimik nang marinig ang kaniyang sumunod na sinabi.
"Don't be afraid, Kath." Aniya, hindi pa rin ako ibinababa't sinabing, "I'm just here, ok? Hindi kita hahayaang mahulog 'cause, trust me, sasaluhin at sasaluhin kita."
Napalunok ako, mariin 'pang napakagat sa'king labi kasabay ng mas mabilis pa sa orasa'ng pamumula ng mukha ko dahil sa kaniyang sinabi. Napakagat-labi ako't muling napalunok, naman Shin, double meaning?
"Now, I need you to concentrate." Napatigil ako, napakunot ang noo't 'tila hindi maintindihan ang kaniyang sinasabi lalo na nang may idagdag pa siya. "Leave the fact that you're afraid, just think about me holding you tightly and will never let you go, ok?"
Naguguluhan man ay marahan na lamang akong napa-tango habang hawak-hawak pa 'rin niya, sinunod ang kaniyang sinasabi't unti-unting napapikit ng mga mata kasabay ng pagsabi niyang, "Be confident, Kath. I know you can do this."
Nagulat na lamang ako nang bigla ko na lang maramdaman ang sarili 'kong unti-unting ibinababa sa lupa kasabay ng bigla niyang pag-ikot sa'kin na kahit hindi ko man inaasahan ay nakapagparamdam naman sa'kin ng matinding pakiramdam ng pagiging kalmado lalo na nang gawin niya ito ng mahina't mabagal. Na para bang walang oras na patuloy na umiikot at tumatakbo sa paligid namin, walang ibang taong alam 'kong nandiyan lamang at patuloy na pumapagitan sa amin at wala nang mas magiging importante pa kung hindi kaming dalawa lamang, right here, right now...
"Cut!"
Nagulat na lamang ako't biglang napatigil sa'ming pagmo-moment nang marinig ang boses na iyon, unti-unti akong napalingon at napaface-palm na lamang nang muling makita sina Kc, AKA 'Ang Apat na Sisa' with the lead of Nicole na talagang nag-effort 'pang mag-suot ng shades at umupo sa upuang katulad na katulad sa upuan ng mga direktor sa tuwing may shooting.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.