Kath
"Sir! May I go out?" malakas na sigaw--este, tanong pala ni Nicole kay Sir nang matapos ito sa pagdi-discuss habang naka-taas pa ang mga kamay, oo, dalawang kamay talaga.
"Why, Ms. Reodica?" nakataas-kilay namang tanong sa kaniya ni Sir sabay tinititigan pa ito ng matalim mula sa kaniyang salamin. "Is nature calling you--"
"No, sir!" agad namang sabat ni Nicole hindi pa man tapos si Sir sa kaniyang sinasabi't muling tinignan ang nakalagay sa blackboard at malawak na napangiwi. "Ayaw ko lang po talaga dito!" sabi pa niya't muling tinitigan ng masama ang mga nakapaskil sa blackboard at halos masuka-sukang agad napa-iwas ng tingin at nanghingi pa ng tissue sa katabing si Kc. "Shet, nagdudugo na ang ilong ko sa sobrang deep! Feeling ko, sasabog na ang brain cells ko!" aniya't madrama 'pang napahawak sa kaniyang ulo.
"Akala ko walang forever." pagdadagdag naman ni Kc sa kadramahan ni Nicole sabay inagaw ang baun-baon nitong tissue sa kaibigan at malakas na suminghot sa harapan ng lahat habang 'tila wala nang bukas na tinititigan rin ang nakapaskil sa blackboard. "Pero, habang buhay na atang sasakit ang ulo ko sa Physics!" aniya't mariing napakagat pa sa tissue. Napangiwi ako, tsk. Akala ko love lang din ang kumplikado, mas kumplikado pa ata ang lagay ng isang 'toh.
"Sir, naman!" dagdag naman ni Marielle habang parang mawawalan na ng buhay na nakatingin sa discussion ni Sir sa harapan. Katulad nina Kc ay mariin 'rin siyang napangiwi't napakagat pa sa nakatagong chocolate sa likod niya, tss. Gusto lang talaga niyang kumain. Naghahanap lang ng tamang moment, chos! "Tandaan niyo, ang blackboard ginagamit para sulatan ng kaalaman, hindi dahilan para sa aming kagutuman--este, kamatayan!" sabi pa niya't agad nilamon nang isang subuan lang ang hawak-hawak na chocolate. Oo, Mars. Kain--este, hugot pa more!
Napa-iling na lang si Sir sa tatlong baliw na 'toh, tinitigan pa silang parang wala nang darating na bukas sabay sinabing, "Alam niyo kasi, mga bata--"
"Hindi na kami bata!" sabat naman ni Alex na 'tila nagising sa salitang narinig niya. Oo, sa kabila ng kanina pang pagdadada ni Sir sa harapan, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang matulog lang sa lamesa niya't ngumanga.
"Ok, mga 'matanda'." pagdidiin naman ni Sir sa salitang 'matanda' habang pinandidilatan pa ng mga mata si Alex na 'tila wala lang narinig at muling natulog sa kaniyang lamesa sabay tumikhim at kunyaring umubo bago muling nagpatuloy. "As what I am saying, gravity is the force that attracts a body toward the center of the earth or toward any other physical body having mass." sabi pa niya't muling isinuot ang kaniyang salamin at tsaka nagsalita. "And you can't blame gravity for falling in love 'cause in the first place, gravity is not responsible for people to fall in love."
Napa-ubo ako bigla dahil sa narinig, l-love.. Nagsihulugan pa ang ibang mga gamit ko't sabay-sabay na napatingin sa akin ang lahat dahil sa ginawa ko.
Mariin akong napakagat-labi, ngumiti pa ng alanganin kay Sir na 'tila sasabog na sa muling pag-eepal namin sa kaniyang discussion at itinaas ang dalawang daliri ko't sinabing, "Hehe. Peace po tayo."
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.