Chapter 50 * Victory *

1K 23 1
                                    

Kath


"One, two, four drink. One two-" Malakas na sigaw-este, pagkanta pala ni Nicole habang hawak-hawak ang micropono bago pa man siya mabatukan ng triple ng kaniyang mga katropa't sinabing, "Ano ba naman 'yan, friends! Bakit hindi niyo ako pagbigyang kumanta? Maganda naman ang boses ko ah-"


"Ano? Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ni Kc, tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa't sinabing, "Maganda? Saan banda?"


"At icha pa," Dagdag naman ni Marielle na hanggang ngayon ay walang tigil pa din sa paglamon ng mga handa namin. "Uso 'ring magbilang, 'ano? Anong one, two, four? Three muna! Chusmaryosef!"


"Litsi." Inis namang dagdag ni Alex na nanlilisik ang mga mata't 'tila handang patayin nang wala sa oras ang kawawa nilang kaibigang si Nicole dahil sa biglang paggising nito sa kaniyang walang hanggang pagtulog.


Napasimangot na lamang ako't mahinang napabulong, huhulaan ko, wala 'tong ibang ginawa kundi matulog buong bakasyon. "Anong friends? Kailan pa tayo naging 'friends'?"


"Hoy, Kath." mangiyak-ngiyak na tawag sa'kin ni Nicole sabay sinabing, "Sino 'tong mga 'toh? Kaibigan ko ba talaga 'toh?"


Napa-iling na lamang ako sa kanilang kalokohan, pagod na sinulyapan si Nicole tsaka sinabing, "Tao ka, Nicole. May utak ka naman kahit papaano at kahit hindi ka gaanong maayos mag-isip, magagamit mo pa 'rin naman 'yan ng maayos. Try 'mo kayang alamin ang sagot at gamitin sa tama 'yang utak mo, 'ano?"


"Huh?" Kunot-noong tanong ni Nicole sabay hawak sa ulo niya't pinagpapalo itong parang may hinahanap na kung ano. Nanliit ang mga mata ko, kuto siguro hinahanap nito. "May utak pala ako? Wow! Ang galing!" Sabi pa niya sabay talon na parang walang bukas.


Napaface-palm na lamang ako, tuluyan nang lumayo mula sa mga baliw na iyon bago pa man ako maging ka-uri nila't matuluyan na 'ring mawala sa katinuan dahil sa mga walang hanggang kalokohan at kabaliwan nila.


Pero sa pag-alis 'kong iyon ay hindi ko a-akalaing mas lalo pa palang sasakit ang ulo ko dahil sa sumunod na eksenang nakita ko.



"Kath!" Sabay na sabi nina Shin at Jake nang makita ako, saglit silang nagkatitigan tsaka sabay uling sinabing, "Ok ka lang?"


Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, 'tila hindi alam 'kung sino ang dapat sagutin nang bigla namang dumating si mama't sinabing, "Oh, anak. Gising ka na pala. Ok ka lang ba?"


Napasimangot na lamang ako, naguguluhang tinitigan silang tatlo't napakanta ng wala sa oras, sino ang pipiliin ko? Ang asawa't, ex or nanay ko?


"A-ah, oo. Ok lang ako." Ang nai-sagot ko na lamang, 'kung kanino? Pwes, hulaan niyo. Hindi ko 'rin alam 'kung sino sa kanila ang sasagutin ko eh. "Ah, ano nga 'bang nangyari? Bakit bigla na lang akong nagising sa kwarto ko? Eh, diba kanina, nasa labas lang ako at kasama kayo?" Naguguluhang tanong ko sa kanila, nakakunot ang noo't 'tila hindi magawang mahalungkat kahit sa pinakadulo-duluhan ng utak ko kung ano ba nangyari't papanong nagising na lamang ako sa sariling kama ko.

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon