Kath
"Ok class, kindly get a one whole sheet of paper and prepare for a quiz." Dire-diretsong sabi ni Sir, hawak-hawak ang talagang favorite niyang 'English Literature' na librong mas malala pa ata sa salamin ni Harry Potter sa sobrang kapal pagka-pasok na pagka-pasok pa lang niya ng classroom sa unang araw ng muli naming pagbabalik sa klase mula sa parang dalawang araw lang na pagbabakasyon namin.
"Say what?" Mas mabilis pa sa isang segundong comment ni Nicole na nasa likod ko, nakangangang nakatingin lamang kay Sir na hindi naman nagtagal ay binatuhan ng katabi niyang si Marielle ng patagong kinakain nitong chips na sakto namang nag-shoot sa nakanganga bibig ng kaibigan niya kaya naman ay napangiti ito't nakipag-appir pa sa mga kaibigan niya habang sinasabing..
"Yes, guys! Three points shoot! Woohoo! Sabi sa inyo eh, sa laki ng bibig ni Nicole lahat, magkaka-kasya diyan." Aniya't malakas na tumawa habang 'yung katabi naman niya ay kulang na lang eh, mag-labas na ng laser-beam mula sa mga mata niya't diretsong sunugin ang kawawang si Marielle.
"Luh." Sabat naman ni Alex, inis na tinititigan si Sir na bigla atang nagising mula sa mala-forevermore niyang pagtulog nang marinig ang sinabi nito. "May pa-kindly, kindly ka 'pang nalalaman diyan, alam ko namang balak 'mo nanamang paduguin hindi lang ang ilong namin kundi pati ang mga utak namin."
"HINDI!" Pagda-drama naman ni Kc, dahilan para sabay-sabay na biglang mapalingon sa kaniya ang lahat kasabay ng mala-langit na pag-angat ng kilay sa kaniya ni Sir. Napa-peace na lamang siya sa kanilang lahat at parang natuluyan nang maging si Sisa'ng sinabing, "Hehe, sorry. Nadala lang ako sa role ko bilang si Sisa. A-ah, o-oh hindi! Crispin, Basilio.. Where na you? Here na me!!" Aniya habang naka-angat pa ang cellphone niya't parang sirang naghahanap ng signal sa classroom.
Napa-iling na lamang si Sir sa biglaang pagta-transform ni Sisa sa modernong mundo't muling ibinalik ang kaniyang pansin sa kaninang 'parang nagpo-protestang si Nicole at sinabing...
"Yes, Ms. Reodica?" Agad na sabi ni Sir, pinagtaasan pa ng kilay si Nicole sa likod ng makapal na frames ng salamin niya't unti-unting inangat ang class record niya 'kung saan nakalagay sa malalaki't talagang nakacaps-lock 'pang mga letra ang pangalan ni Nicole kasabay ng pag-abot rin nito sa kaniyang pula at talagang sign-pen na ballpen at habang nakangisi ay sinabing, "Is there a problem?"
Malalim na lamang na napalunok si Nicole, alanganin 'pang ngumiti kay Sir at gamit ang nanginginig niyang labi ay napapakamot sa ulo niyang sinabing, "A-ah wala po, sir. Eto na nga po oh, kumuha na po ako ng papel! Haha! W-wala po talaga 'yun, kumakanta lang ako. Oo! 'Yung, W-whatcha say? Haha!" Dire-diretsong sabi ni Nicole, halatang kabadong malagyan ng kahit isang maliit na tuldok ng red na sign-pen ni Sir ang pangalan niya, dahilan para mas lalong mapangisi si Sir dahil sa wakas ay nakaganti na 'din siya sa makulit na nilalang na ito nang bigla na lamang nitong malakas na idinagdag, "Gusto niyo pong sampulan ko kayo?"
Mas mabilis pa sa kabayong nasa isang karerang namutla ang pagmumukha ni Sir dahil sa sinabi ni Nicole, agad napa-iwas ng tingin at ibinaba na ang kaninang hawak-hawak nitong class record mula sa pagmumukha ni Nicole at agad sinabing, "O-ok class, question number one is..."
"Eh? Bakit ganun?" Takang tanong ni Nicole sa mga katropa niya, dinuro-duro pa ang sarili niya't nagtatakang sinabing, "Bakit biglang nag-change topic si Sir? Ganun ba kaganda ang boses ko na hindi kakayanin ng puso niyang marinig akong kumanta?"
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.