Natalie
Je t'aime pour toujours et toujours, napalunok ako. Patuloy na tinititigan ang kumikislap na singsing sa'king daliri't napapalunok, pinipigilang tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina 'pang gustong kumawala sa'king mata't ilang beses na napapahinga ng malalim sa tuwing mababasa't makikita ko sa gilid ng aking mga mata ang mga salitang nakapaloob sa singsing na ito.
"I love you forever and always." Mapait akong napangiti, patuloy na tinititigan ang mga salitang iyon mula sa'king singsing.
Napahinga ako ng malalim, sinubukang alisin ang aking tingin mula sa mga salitang iyon at pigilan ang aking mga luha sa pagbagsak ngunit, nabigo ako.
"Curse this stupid tears." Inis na sabi ko, paulit-ulit na pinunasan gamit ang likod ng aking kamay ang basang parte ng aking pisngi pero kahit anong gawin ko, hindi matapos-tapos, patuloy at walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako, muli ay napatitig sa mga salitang nakaukit sa singsing na ibinigay niya sa akin at tahimik na napaiyak.
I deserve this, pag-uulit ko sa'king utak, tumatango-tango pa't ilang beses na humihinga ng malalim habang nakatitig sa ticket ko pabalik ng Seoul. I deserve this pain and even though I hate it, I can't do anything. This is my destiny. Yes, this is it.
"Shaun has a good taste." Nakangiting sabi ko, tinitigan ng diretso sa mga mata ang babaeng nasa harapan ko at sa pangalawang pagkakataon ay muling, ngumiti. "You look good together."
"A-ano bang pinagsasabi mo?" naka-iwas ng tingin at pautal-utal na sambit ni Hannah, nakaupo siya sa'king harapan at patuloy na umiiwas ng tingin. "H-hindi kita maintindihan, a-ano bang.." unti-unti niyang inangat ang kaniyang ulo, huminga ng malalim at sa wakas ay ginantihan na ako ng tingin. "Dapat nating pag-usapan?"
Napabuntong-hininga ako ng malalim at sinabing, It's about time.
Mapait akong ngumiti, napatingin sa'king daliri't kinuha ang kanina 'pang kumikislap na bagay roon. "Do you know what these words, mean?"
Muli ay hinarap ko siya, pinakita ko sa kaniya ang mga salitang naka-ukit sa loob noon kasabay ng pagkakunot ng kaniyang noo.
"B-baliw ka ba? Paano ko maiintindihan 'yan eh, French 'yan?" nanlalaki ang mga matang sabi niya, dahilan para mapangiti ako't mapatawa ng malakas dahil sa sunod na sinabi niya. "Utang na loob, mawalang galang na Natalie ah pero, hindi ako human-translator! My gulay! Mas mabuti 'pang dun ka na lang magtanong sa kaibigan 'kong si google, for sure masasagot ka niyan."
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.