Chapter 34 * Never Ever *

2K 39 6
                                    

Hannah 

Madilim. Wala akong makita. Mas malala pa sa taong bulag ang aking mga mata, wala akong ibang makita kundi ang nakakatakot na kadilimang bumabalot sa'king paligid, nakakatakot. Nakadilat ang aking mga mata pero ni anino, ni katiting na liwanag.. kahit maliit na butas kung san naroroon ang liwanag.. wala akong makita. 

Nagpatuloy ako, takbo ako ng takbo, sinubukang maghanap ng daan, patuloy na umaasang hindi pa katapusan na, may pag-asa pa.. Hindi pa, lalaban pa ako.. Hindi ako susuko. 

"Ahh.." 

Nadapa ako, subukan ko mang lumingon o tignan kung may sugat ako, hindi ko magawa. Wala akong makita. Hinang-hina ako, subukan ko mang tumayo.. Wala akong ibang magawa kundi ang mapapikit ng mata at patuloy na lumuha.. Ang sakit. Napatigil ako at patuloy na lumuha.. 

Bakit ganito? Bakit nangyari 'toh?

Nakakatakot, bukod sa wala akong makita.. Binalot pa ng napakalamig na hangin ang aking buong katawan. Hinang-hina na ako, wala na akong natira pang lakas upang tumayo at makawala sa kadilimang ito. 

"Tulong, tulungan niyo ako.."

Takot na takot, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. 

"Hannah?" 

Ang boses na iyon. Napatigil ako at unti-unting lumingon.. "Hannah." Hindi ako maaaring magkamali.. Si Shaun. Sa kanya ang boses na iyon. 

Napadilat ako ng mata. Nagpa-ikot sa buong paligid ang aking mga mata at laking gulat ko nang makitang maliwanag ito, malayong-malayo sa kadilimang nakita ko, sa masamang panaginip na pinanggalingan ko... 

Natigilan ako, unti-unti akong napalingon at nanlaki ang mata nang makita siya, nakaupo saking tabi at mahigpit na hawak-hawak ang aking kamay. Ngumiti siya, ngiting nagpakawala sa malungkot niyang mukha at sa mga luhang bumagsak mula sa kaniyang mata. 

"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Ok lang ba ang pakiramdam mo?" alalang-alala siya, mas lalong humigpit ang hawak niya sa'king kamay at rinig na rinig ko ang takot sa boses niya. 

"S-shaun--" natigilan ako, hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinila at niyakap ng sobrang higpit, yakap na ayaw magpakawala, yakap na ayaw bumitaw at ang siyang nagpawala sa lahat ng takot sa puso ko. 

"Maraming salamat at ligtas ka Hannah, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka." 

Natahimik ako, pakiramdam ko, umurong ang dila ko.. Hindi, mas malala pa ang kaso nito, pakiramdam ko namara ang lalamunan ko, naputol ang dila ko at.. hindi ako makahinga. Yakap-yakap niya ako, hawak-hawak niya ang kamay ko at.. nandito siya sa tabi ko. 

Halos magli-limang minute na niya akong yakap-yakap at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa pagkagulat. Siguro kung walang arranged marriage at Natalie na pumasok sa buhay naming ni Shaun ay baka wala ako sa sitwasyon na ito. Kung sana lang talaga.

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon