Chapter 59 * The Proposal *

1.4K 35 4
                                    

Kath


"Happy 'Gurang' Day sa'yo, Kath!" Pambungad na bati sa'kin ng Apat na Sisa pagka-pasok na pagka-pasok ko pa lang ng classroom, sabay-sabay na ipinutok ang mga hawak-hawak nilang balloons at talagang itinapat pa ito sa tainga ko.


Napasimangot na lamang ako sa kalokohan nila, inilagan ang mga pangasar na ngiti nila't mahinang napa-bulong, ang hirap na ngang tanggapin eh, kailangan 'pa talagang ipaglandakan sa buong mundo?


"Bili-bili kayo diyan!" Bigla kaming napalingon sa pinanggagalingan ng boses na iyon, nakasalubong ang seryosong itsura ng Class President naming may hawak-hawak na isang box ng newspaper sabay sinabing, "May dala-dala akong mga bagong balita't chismis dito, ang trending? Maraming baliw ang naloko!"


Nanliit na lamang ang mga mata ko sa mga pinagsasabi niya, nagkasalubong pa ang dalawang kilay ko't napakunot ang noo, 'tila hindi makuha-kuha ang sinasabi niya't naloloka sa mga pinanggagawa niya nang bigla na lamang naglaho sa tabi ko ang Apat na Sisa't sabay-sabay na dumiretso sa direksyon ni President tas isa-isang bumili nung bini-benta niyang newspaper.


"Huh?" Nagtatakang tanong ni Kc, ilang ulit na binuklat sa iba't-ibang pahina ang nabili niyang newspaper at nang walang makita ay kunot-noong sinabing, "Bakit ganun? Wala namang naka-sulat dito?"


"Utang na loob!" Inis namang sabi ni Alex, mariing ipinunit sa mali-liit na pira-piraso ang newspaper na binili niya't nanggigigil na dinuro-duro si President sabay sinabing, "Wag 'mong sabihang nag-drawing ka 'din ng kambing at damo dito't sabay silang naglaho?!"


"OMG." Sabat ni Marielle, ilang sandaling tinitigan ang papel at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla niya 'tong isinubo sa bibig niya't habang ngumunguya ay kumikislap ang mga matang sinabing, "So, ganito pala ang lasa ng isang newspaper? Isn't it amazing?"


"Shet men." Over-reacting namang biglang dagdag ni Nicole, bigla-bigla 'pang kumuha ng picture niya mula sa bulsa niya't idinikit ito sa newspaper na binili niya sabay itinapat ito sa mukha ng mga katropa niya't nakangising sinabing, "Nakikita niyo 'yan? 'Yan daw ang pinakamagandang babae sa mundo-"


"PINAKA-PANGET KAMO!" Sabay-sabay namang sabat ng mga katropa niya sa kaniya, dahilan para bigla siyang mapasimangot sabay ipinunit din iyong newspaper na binili niya katulad ng ginawa kanina ni Alex.


Napangisi na lamang si President sa mga naging reaction nila, muling humarap sa iba pa naming mga kaklase't 'tila tuwang-tuwang sinabing, "Bili-bili kayo diyan, newspaper na may iba't-ibang balita't chismis! Ang bagong trending? Apat na Baliw ang naloko!"


Napaface-palm na lamang ako sa mga kalokohan nila't agad dumiretso sa upuan ko, pinabayaang mapasukan ng langaw ang mga nakakanganga't nakalaglag na mga panga ng Apat na Sisa't hinarap si Hannah na malawak na nakangiti sa'kin sabay masayang sinabing, "Happy 18th Birthday, best!"


Tipid na lamang akong napangiti sa pag-bati niya, sinalubong din siya ng isang mahigpit na yakap at pinilit ang sariling maging masaya 'rin para sa sarili ko lalo na't ito na ang araw na iyon, ang araw na pinaka-hihintay ko, ang aking... 18th Birthday.

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon