Hannah
"Almost paradise." malakas na kantahan nung tatlong baliw samantalang si Alex ay 'tila walang narinig at pasimpleng kumuha pa ng cake sa kabila ng pagtititigan sa amin ng mga tao at kinain ito nang hindi nagbabayad, pasaway.Rinig na rinig ko, dugdug. Sa kabila ng pagbubulung-bulungan ng mga tao at walang tigil na pagkakanta nina Kc na siyang sumira sa katahimikan, ang puso ko, dugdug, nababaliw.. Hindi, dugdug, mapakali.
Sa kabila ng pagtititigan namin ni Prince, nakita ko siya. Ang taong kanina ko pa hinahanap, sa wakas, nakita ko rin siya pero.. Hindi ko siya mabasa. Kunot ang noo niya at 'tila pinagpapawisan habang nakatingin sa aming dalawa.
Napalunok ako, sa pagdating niya ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na 'tila ay nasa paligsahan at kahit wala itong mga paa ay handa itong unahan ang mga nagsisipilahang kabayo at sasakyan sa karera pero, sa isang iglap ay para itong orasang tumigil at nanigas nang hawakan ni Prince ang kamay ko at iniharap ako sa kanya.
Deep black eyes, soft but sexy lips, hindi mapagkakailang napakagwapo ng nilalang na ito. Napaka-amo ng mga titig at kitang-kita sa mukha ang kanyang nadarama. 'Tama nga siya, Prince ang pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya at nagmumukha talaga siyang prinsipe na handang iligtas ang kanyang prinsesa pero, ako nga ba? Ako nga ba ang kaniyang prinsesa?
"Lets go," Napa-blink ako ng mata nang bigla siyang magsalita at mas lalong hinigpitan ang hawak sa aking kamay at hinalikan ito. "My Princess."
Natahamik ako. P-princess? Ano ba talagang nangyayari? Bakit nandito siya? Papaanong nagkita ulit kaming dalawa at.. Bakit nasasaktan, siya? Si Shaun, ramdam kong nasasaktan siya pero.. bakit?
Nakatitig lamang ako sa kanya. Kung kani-kanina ay hindi ko malaman kung anong nasa isip niya at hindi ko siya mabasa, pero, nang hawakan at halikan ni Prince ang kamay ko, alam ko.. Kitang-kita ko. Napahinga siya ng malalim kasabay ng unti-unting paglitaw ng takot sa kanyang mga mata't mukha, napakunot ang noo ko, anong nangyayari? B-bakit siya ganyan?
Pero bago pa man masagot ang tanong ko ay dali-dali akong inihila ni Prince. Gulat na gulat ako sa ginawa niya at ramdam na ramdam ko ang pangangamba ng aking puso lalo na nang, sa huling pagkakataon ay nagtama ang tingin naming dalawa ni Shaun bago pa man ako lumabas ng room at ipinasok ni Prince sa kotse.
"A-anong.." sa katagal-tagal ng sandali naming magkasama ni Prince, ayan lamang ang nasabi ko. Napalunok pa ako nang marinig ang sarili 'kong boses na nanginginig at 'tila hindi magawang makapagsalita.
Unti-unti siyang lumingon sa akin. Nagulat ko nang makitang may hawak-hawak siyang white rose at ngiting-ngiting ini-abot ito sa akin, "For you." He said and handed me the rose.
I gulped. W-white rose, the same rose Shaun gave me, the rose I really like... Napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo, But, h-how? Hindi pa ako nakakatapos sa pagtatanong ko sa sarili ko ay agad niyang nabasa ang nasa isip ko at ngumingiting sinabing, "Your mom told me you really like white roses so, I thought giving one to you." He said while smiling at me but my eyes was just looking at the rose he gave me, confusion seen over my face as I know, I heard it right. I'm sure as hell I heard everything he said, but...
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.