Epilogue

4K 56 14
                                    

Shin


"Hi." Nakangiting sabi ko, diretso lamang na nakatingin sa harapan ko't may hawak-hawak na isang bouquet ng bulaklak.


Unti-unti akong lumuhod sa damuhan, dahan-dahang inilapag ang bulaklak sa isang tabi't matapos nun ay napabuntong-hininga na lamang habang patuloy na nakatitig sa'king harapan.


Parang kahapon lang nandito ka pa, mahinang bulong ko't mapait na ngumiti habang sinasabing, s-sana, nandito ka pa rin sa tabi ko...


"Kamusta?" Mabilis na pag-bawi ko, pinigilan ang sarili 'kong mapaluha't pinilit na lamang ang sariling maging matatag at matapang dahil alam 'kong ito ang gusto niya, ang klaseng Shin na gusto niyang makita. "Masaya ka siguro diyan, 'anoh?" Dagdag ko pa, ngumiting muli sa kawalan at mapait na sinabing, "That's good, I-i wan't you to be happy."


Napalunok ako nang marinig ang sarili 'kong boses na nanginginig, malalim muna akong napalunok ng ilang beses bago ako muling humarap sa kaniya't tipid na nakangiting sinabing, "Your smile is one of the best things I don't ever want to vanish so, just for me, please, be happy."


Bigla akong napapikit ng mga mata nang dumaan ang malakas na hangin, dahilan para biglang magpaliparan ang iilang mga petals ng rosas na dala-dala ko para sa kaniya't dumiretso mismo sa ilalim ng pangalan niya, Kath...


Agad na bumagsak ang aking mga luhang tumakas mula sa'king mata dahil sa'king nakita, mga luhang agad 'kong pinunasan kahit alam 'kong wala, wala akong magagawa. Hanggang ngayon, lubos na pa 'din akong nasasaktan. Matapos ng lahat, eto pa 'rin ako't pinipilit ang sariling maging matatag at matapang kahit sa totoo lang, ang hirap-hirap, ang sakit-sakit na.. I-isa akong duwag. Wala man lang akong nagawa para mai-ligtas siya.


"I love you so, so much." mahinang bulong ko, pinilit ang sarili 'kong muli ay ngumiti sa harapan niya't gamit ang nanginginig na labi ay mapait na nakangiting sinabing, "More than you'll ever know, more than what you think."


Unti-unti na akong tumayo, matatag na pinunasan ang mga nagsi-takasang luha mula sa'king mga mata't sa huling beses ay malawak siyang nginitian at buong-pusong sinabing, "Thank you for everything.."


"Kath, gumising ka!" Walang tigil na pagsigaw ko, patuloy na tinatapik-tapik ang hanggang ngayong nakapikit pa 'ding mukha ni Kath habang mahigpit na hawak-hawak ang kamay niyang suot-suot ang singsing na simbolo ng aming kasal, ang natatangi 'kong pag-asa para sa aming dalawa.


"Shin.." seryosong sabi ni Jake, hinawakan ako sa magkabilang balikat at diretso sa mga matang sinabing, "I'm sorry but you have to stay here, you can't go further inside-"


"Hindi!" Agad na sabat ko, inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa'kin at matalim siyang tinitigan sa mga mata habang sinasabing, "Hindi ko kayang maghintay dito at walang gawin samantalang nandiyan lang sa loob ang asawa ko, walang kamalay-malay at duguan ang buong katawan!" Nanggigigil na sabi ko't muli ay napaluha nang maalala ang lahat ng mga pangyayari't seryosong sinabing, "Papasukin mo ako Jake, please, I'm begging you. My wife needs me, k-kailangan ako ni Kath." Pagmamaka-awa ko sa kaniya, tinitigan pa siya ng diretso sa mga mata't kulang na lang ay lumuhod na sa harapan niya kasabay ng malamig niyang pagsabing..

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon