Kath
"Woah, what's that? New trending fashion getup?" nakangising sabi ni Shin habang kagat-kagat ang labi niya't nakasandal sa pintuan ng kwarto ko, patuloy na tinititigan ako't walang tigil na pinagtatawanan at nilalait ako sa madamong utak niya.
"Oo. Gusto mo, i-sample ko sayo 'kung gaano ka-trending ang pag-gamit nito pamalo sa ulo mo?" inis na sabi ko sa kaniya, naka-taas ang kilay at handa-handa nang sampulan siya habang hawak-hawak sa isang kamay ang tsinelas na dapat ay susuotin ko na 'kung hindi lang siya biglang sumulpot na parang mushroom sa harapan ko't wala naman palang balak gumawa ng matino kung hindi ang laitin ako't sirain nanaman ang araw ko. "Kasalanan mo 'toh! Masyado mong tinorture ang paa ko sa pagsasayaw! Utang na loob, hindi lang love ang kailangan ng KitKat, my feet also needs a break!"
Ngumisi lang siya, itinago sa bulsa ang isang kamay niya't patuloy akong tinititigan mula sa kaniyang kinatatayuan na nakakunot ang dalawang noo't patuloy na minumura siya ng malutong sa'king isipan habang isinusuot ang aking tsinelas nang bigla nanaman siyang nagsalita na naging dahilan para imbes ma-suot ko sa'king paa ang tsinelas ay muntikan ko na itong iwanan sa kamay ko.
"You look beautiful tonight." Napatigil ako, namula ang mukha't nakangiting handa na sanang lingunin siya nang may bigla na lamang siyang idinugtong. "Himala, nagmukhang-tao ka naman kahit papaano-"
"Bilisan mo!" Agad na sabi-este, sigaw ko bago pa man niya tapusin ang sinasabi niya, nakasimangot na dali-daling kinuha ang bag ko't mabilis na naglakad papalabas para matakasan ang madudugong salitang bibitawan niya. "Mali-late na tayo!"
Nakangising napapa-iling na lamang si Shin sa sinabi ko't kibit-balikat na sinundan ang direksyong nilalakaran ko.
Inis 'kong inangat ang palda ko, dahilan para magpakita ang mahiwagang tsinelas na suot-suot ko sa ilalim nito't pilit na pinapakalma ang hanggang ngayong nananakit pa'ring paa ko mula sa buong araw na pagpapahirap rito ni Shin mula sa aming madugong pagpa-practice na 'till now ay hindi ko pa 'rin magawa ng tama't imbes na umikot ako ay mapapa-slide na lamang ako't mapapahalik ang mukha sa sahig dahil sa napa-epic fail na pagsasayaw ko.
Ahuhu, mahinang pagdadrama ko, my poor feet--OH MY SPIDERMAN NA HINDI TULI!
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang maramdaman na ang kaninang hirap na hirap na naglalakad sa lupa na mga paa ko ngayon ay naka-angat na't lumulutang pa.
Napanganga na lamang ako't halos maputulan ng hininga nang makita ang mukha ni Shin na sobrang lapit sa akin lalo na nang maramdaman ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Napalunok ako, shetness mga men, ano kayang sabon ang ginagamit nito? Bakit ang kintab-kintab ng mukha niya-
"Shit." Bigla akong napatigil sa medyo madamong pag-iisip 'ko nang bigla siyang magsalita. "Ilang beses ka ba kumakain sa isang araw? Sampu? Damn, you're so heav-"
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.