Shin
Mabilis, maingay at 'tila nangunguna sa isang karera. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ni Kath, bawat segundo at bawat minutong hawak-hawak niya ang braso ko't nakayakap sa akin, pabilis ng pabilis na para bang walang katapusan ang pagtibok ng puso niya.Napabuntong-hininga ako, niyakap siya pabalik kasabay ng mas lalong pag-ingay ng puso niya. Ramdam ko ang bawat pag-galaw ng puso niya habang nasa bisig ko siya't yakap-yakap, hindi maiwasang mapangiti sa tuwing mararamdaman ko iyon.
Napangiti ako, sana wala nang katapusan ito.
Unti-unti ko siyang hinarap at sa pagharap kong iyon ay nasilayan ko siyang nakatingin lamang sa ilalim, nakasandal sa dibdib ko at marahan ang paghinga. Na para bang, kalmadong-kalmado siya sa bisig ko't ayaw niyang bumitiw dito.
Ngumiti ako, sinubukang i-angat ang ulo niya upang magkatitigan kaming dalawa pero hindi ko alam kung literal bang mabigat ang ulo nito o kung ano dahil kahit ginamit ko na ang buong lakas ko, hindi ko pa din magawang matitigan ang mga mata niya't nandun lamang siya at nakasandal pa din sa dibdib ko at siyempre, ano pa nga bang aasahan niyo? Imbes na sa bewang ko siya humawak at yumakap, aba't dun talaga siya sa abs pumwesto.
Napangisi na lang ako, tsk. Iba talaga kapag gwapo.
"Kath," tawag ko sa kaniya, sinusubukan pa ring iharap siya sa akin pero kahit naka-tatlong beses na 'kong sumubok, ayaw pa rin talaga kaya napa-buntong hininga na lang ako kasabay ng pagpapatuloy ko, "Alam mo bang sobrang saya ko? Sobrang saya ko na nakasama kita at ngayon, yakap-yakap na."
Napangiti ako, damn. This woman never failed to make me smile. Na kahit wala naman siyang ginagawa, napapangiti pa rin ako habang nakatitig sa mukha niya. Yeah, I--"Kath, I love--"
"Asdghl"
Napatigil ako, sinubukan muli siyang iharap sa akin pero kahit pa ata makasampu akong attempt, sadyang matigas ang babaeng 'toh at ayaw magpa-awat sa akin hanggang sa bigla na lamang siyang gumalaw, dahilan para manlaki ang mga mata ko't maingat na ini-angat ang ulo niya para hindi siya mahulog pero mas lalong nanlaki ang mga ko't napanganga nang sa wakas ay nasilayan ko na ang mukha niya.
Shit, naibulong ko na lang kasabay ng muling paghilik niya.
"Ashldldlg"
Napakamot na lang ako ng ulo at kung pu-pwede lang mapa-facepalm ay ginawa ko na rin kung hindi ko lang siya hawak-hawak ngayon at maingat na hindi siya mapa-ano habang nasa bisig ko.
Napakagat-labi ako. Damn, this woman. I was almost there!
At dahil sa wala naman na akong ibang magagawa, dahan-dahan ko siyang ibinuhat at muling isinandal ang kaniyang ulo sa aking dibdib. Pasalamat ka, nakakunot-noong bulong ko kasabay ng unti-unti 'kong pagtapak sa hagdanan. Mahirap na, baka mamaya gerahin ako nito't muling hampasin ng unan sa mukha 'pag-pinabayaan ko siya dito at ibalibag sa kung saan.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.