Kath
Agad 'kong idinilat ang aking mga mata, mas mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok sa banyo't nag-ayos ng sarili't hinanda na ang sarili para pumasok. Ewan ko na lang kung maayos ang pagligo kot' hindi mangamoy mamaya, shemay, PE pa naman namin ngayon.
Napatingin ako sa'king orasan, 6:00 am, for the first time in forever, ganito ako ka-agang papasok sa school ngayon.
Unti-unti 'kong binuksan ang aking pintuan, siniguradong patay pa ang mga ilaw at madilim pa ang kalangitan bago ako lumabas sa'king kwarto't nag-ninja moves dadaan sana sa bintana para makalabas ng bahay pero bigla ring napatigil nang mapatingin ako sa baba.
Napalunok ako, Hindi nga pala ako si Kim Possible, ako nga lang pala si Kath Impossible. Dali-dali akong lumayo ruon at nag-isip ulit ng panibagong plano para makalabas ng bahay nang isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Hi, Kath! Goodmorning!" napalunok ako, unti-unting nilingon ang pinanggalingan ng masaya at forever hyper na boses na iyon at hindi na nagtaka nang makita ruon si ate Elaine na kahit naka-pajama't naka-bunny ears na flats, parang dyosa pa 'ring tignan.
Napakagat-labi na lang ako nang dali-dali niya 'kong hinila papunta sa lamesa't tinawag ang pangalan ng taong nais 'kong iwasan. "Baby, Shin! Dalian mo na diyan at kakain na tayo ng breakfast!"
At katulad ng inaasahan 'ko, unti-unting lumitaw si Shin mula sa pagkakasarado ng kaniyang kwarto't muli 'kong nakita ang gwapo--este, panget niyang mukha.
Napalunok ako, ilang beses napa-iwas ng tingin at balewalain ang presensya ni Shin sa harapan ko pero kahit anong gawin 'ko, nilagyan na nga ata ni Shin ng pandikit ang mga mata ko sa mga mata niya't parang permanente na itong nakatitig lang sa kaniya. Napakagat-labi ako nang makasalubong ang seryoso niyang tingin, shet. Umagang-umaga, ang gwapo na niya--gutom lang 'yan, Kath. Gutom lang 'yan.
Dali-dali akong kumuha ng kanin, sumubo na rin ng hotdog at ilang beses na nilunok ito ng malalim nang maramdaman ang malalalim na titig ni Shin sa akin. Napa-inom ako ng tubig, wag ganyan, Shin. Umagang-umaga, tinutunaw mo na agad ako. Gutso mo ata akong maging ice cream?
"Baby, Kath." agad akong napa-angat ng ulo nang biglang tawagin ni ate Elaine ang pangalan ko. Nakangiti siya sa'kin at tinitigan pabalik ang kapatid niyang hanggang ngayon eh, parang minamayak ako--este, tinutunaw ako sa tangin. "Sumabay ka na kay Shin papasok ng school. Parehas naman kayo ng schedule ngayong araw, diba?"
Napalunok ulit ako, ilang beses pang uminom ng tubig bago sinabing, "A-ah. Sige po, ate." At tsaka ako umiwas ng tingin. Shet, kung sino nga naman ang taong gusto mong iwasan, 'yun pa talaga ang walang tigil na itutulak sa'yo ng tadhanang masilayan.
"Bilisan mong kumain." napa-ubo ako nang marinig ang matigas at 'tila yelo sa lamig na boses ni Shin, inabutan pa niya 'ko ng tubig tsaka sinabing, "Ayaw 'kong ma-late. Lunes pa naman ngayon." tsaka siya tumayo at parang bulang nawala na lang sa paningin 'ko.
Napalunok ako't napa-iwas na lamang ng tingin. I deserve that anyway.
"Psst, Kath." nagulat ako nang parang bubuyog akong binulungan ni ate Elaine at nanlaki ang mga mata nang makitang nasa tabi ko na pala siya habang nginunguso ang kapatid niyang ngayon eh, umakyat muli sa kwarto niya. "Anyare dun? Kahapon ang saya-saya nun ah tapos biglang.."
"A-ah, tapos na po ako." agad akong tumayo bago pa man matapos ni ate Elaine ang kaniyang sinasabi, ngumiti pa ako sa kaniya't sinabing, "Maraming salamat po sa masarap na pagkain." at tsaka akong naglaho 'ring parang bula sa paningin niya't bumalik sa'king kwarto ko pero bago iyon ay narinig ko pa siyang sinabing..
"Juicecolored, what's happening?"
***
Tahimik, walang nagsasalita at kahit radyo, natahimik rin ata dahil kahit saang estasyon man niya ito ilipat, wala kang ibang maririnig. Katulad naming dalawa ngayon ni Shin. Walang maririnig.
Napabuntong-hininga na lang ako, umiwas sa kaniya ng tingin at tinitigan na lamang ang mga tanawin sa labas. I know, it's my fault. I know, it's my own decision. But, dammit.. I can't take this anymore.
Binuka ko ang bibig ko, hinarap siya't hinanda ang sarili ko sa'king sasabihin pero nagulat na lang ako nang biglang tumigil ang sasakyan at nang mapatingin ako sa paligid ko ay nakarating na pala kami sa school. Napanganga ako, nagawa naming manahimik ng ganun katagal? Napatulala ako, for the first time in forever.. Di kami nagbangayan?
"A-ah." binuka ko ang bibig ko para magsalita, ilang beses pang lumunok bago sinabing. "S-salamat sa paghatid, sorry sa aba--" pero hindi ko na nagawa pang tapusin ang sinasabi 'ko nang bigla siyang lumapit sa akin.
Napatulala ako, titig siya sa mga mata ko't hindi ko maiwasang mapakagat-labi nang makita siyang tumitig sa labi ko. Napalunok ako.. w-what, is he trying to kiss me.. again?
Pero hindi ko pa man nasasarado ang mata ko't ngumuso rito para mahalikan niya, nagulat na lang ako nang bigla siyang umiwas ng tingin at sa gulat ko eh, bigla na lamang lumayo matapos tanggalin ang seatbelt ko at sinabing, "Sige na. Your welcome." at tsaka niya ako iniwan ruong nakanganga at nakatulala pa 'rin sa kaninang pwestong kina-uupuan niya.
My ghad, binitin niya ako dun ah!
"Haay," buntong-hininga ni Hannah nang ma-upo sa tabi ko't may dala-dalang bulaklak. Inamoy-amoy pa niya ito't parang tangang sinabing, "Ang love talaga, nakakapag-bagong buhay. Tignan mo, ang aga mong pumasok! Hahahaa--Aww! Aray naman, Kath! Umagang-umaga, sinasaktan mo na naman ang feelings ko!"
Tinitigan ko lang siya ng masama matapos ko siyang batukan ng malakas at tsaka muling napabuntong-hininga. Nakakainis, ako ang nagplano nito. Ako ang nagsabi sa kaniyang iwasan muna ako't bigyan ng space pero, bakit ganito? Napalunok ako't napatingin sa bintanang nasa gilid ko kung saan kitang-kita ko siyang nakatayo, seryoso pa rin ang mga mata't kahit ngiting-ngiti ngayon sa kaniyang nakikipag-usap ang bestfriend niyang si Shaun eh, hindi niya magawang ngumiti pabalik.
Napabuntong-hininga na lamang ako at mariin na ipinikit ang aking mga mata. I can't take this anymore.
"Aminin mo na kasi." nagulat ako sa biglang sinabi ni Hannah, unti-unti ko siyang tinignan at ruon ay nakita ko ang seryoso niyang mga mata. "Wag mo nang pigilan ang sarili mo. C'mon, Kath, fight for him." Sabi pa niya't kinindatan ako. "And I'm sure, this time, you'll win this battle. Trust me."
***
Author's Note: Dedicated to my dearest cousin, Minnie~!! Haha. Thanks ulit sa dedication, yung ice cream ko ah! xD.
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.