Hannah
"I came here like a wrecking ball-Aray naman, Mars!" Inis na sabi ni Nicole sa katropa niyang si Marielle, naka-angat ang dalawang kilay at tinititigan ito ng masama habang sapo-sapo ang ulo niyang wala na atang kawala mula sa pambabatok ni Marielle. "Can't you see I'm practicing for Hannah's grand entrance song? Like, you're so-ah, ano nga ba ulit 'yung English nun? A-ah basta, bastos ka!"
"Akala ko sa pag-ibig ka lang mababaliw." Bigong-bigong sabi naman ni Marielle na 'tila natalo sa lotto habang nakahawak sa ulo niya't 'tila hindi na alam 'kung ano pa ang gagawin sa kaibigan niya. "Sa kaibigan din pala."
"Gaga." Sabat naman ni Kc at katulad ni Marielle ay binigyan din ng isang pamatay na batok sa ulo ang kawawa nilang kaibigang singing biriterang si Nicole. "Kasal ang pupuntahan natin, hindi gera!"
"A-ah, kasal ba?" Parang wala sa mundong nasabi na lamang ni Nicole matapos makatanggap ng dalawang batok sa ulo kasabay ng 'tila wala nang bukas na pagtitinginan ni Kc at Marielle at sabay 'pang napasigaw..
"YUNG TOTOO? SAANG PLANETA KA BA NANGGALING, AH?!"
"Tss." Bigla namang napatigil sa kani-kanilang mumunting eksena ang tatlong baliw nang biglang lumitaw ang isa pa nilang katropang si Alex na hindi ko man lang namalayang kanina pa palang humihilik sa ilalim ng kumot ko.
Tinapunan niya ng masamang tingin 'yung tatlo't walang bawiang sinabing... "Yung totoo.. Tatahimik kayo o ako mismo ang magpapatahimik sa inyo?"
"Hindi ko talaga alam.." Nasabi ko na lamang, hawak-hawak ang ulo ko't 'tila hindi makapaniwalang kasa-kasama ko sa mismong araw na ito ang mga baliw na 'toh. "Kung sino ang sumapi sa'kin at inimbitahan ko kayo sa araw ng kasal ko."
"ANO? MAY SINASABI KA BA?" Bigla naman akong napatigil sa madramang pag-iisip ko nang sabay-sabay silang biglang lumitaw sa harapan ko't nanlilisik ang mga matang tinititigan ako.
Napalunok na lamang ako't napabulong, juicecolored. Ano bang naisip ko't ginawa ko 'pang bridesmaid ang mga baliw na 'toh? "A-ah, wala. Sige lang." Nasabi ko na lamang at dali-daling tumalikod upang harapin ang sarili ko sa salamin at maka-iwas sa mga di naman masyadong kagandahang panauhin. "Ang sabi ko, keep up the good work!"
Napabuntong-hininga na lamang ako nang sa wakas ay tinigilan na nila ako, muli silang bumalik sa kani-kanilang mga gawain at kahit ilang beses ko 'mang isipin 'kung ano ang dahilan at 'kung sino ang biglang sumanib sa'kin para isama ang apat na 'toh ay wala na akong ibang magagawa pa kung hindi ang patuloy na manalangin na wala naman sanang mangyaring kababalaghan sa araw na ito, ang araw ng.. kasal ko.
"Are you really sure about this?" Bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses na iyon, unti-unti akong nag-angat ng ulo't napatulala nang makita ruon ang 'tila pagod at nag-aalangang mukha ni Kath. "Do you really want this? D-do you really want to spend the rest of your life with, Prince?"
Mapait na lamang akong napangiti, ginantihan din siya ng tingin mula sa salamin at kahit hirap ay sinabing, "There's no turning back now, right?"
Natahimik si Kath dahil sa sinabi ko, kasabay nun ay ang biglang pagbukas ng pinto at ang pagpasok mula ruon nina Mama at Papa na imbes malawak na nakangiti ay 'tila nag-aalangan sa kanilang gagawin.
Napakunot ang noo ko, what's happening? Nagulat na lamang ako nang bigla akong yakapin ng mahigpit ni Mama, 'yung yakap na matagal ko nang hinahanap-hanap mula sa isang ina, 'yung yakap na hindi ko na alam 'kung kailan ko huling natanggap.
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.