Kate
"Ate nurse!" Bigla akong napatigil sa paglalakad nang marinig iyon, unting-unti akong napalingon sa likod ko't napanganga nang madatnan ang isang pasiyenteng duguan ang damit at mukha pero sa kabila ng 'tila 'The Walking Dead' na itsura niya ay nagawa pa niyang lumapit sa'kin at habang hawak-hawak ang cellphone niya ay nakangiting parang manyak na sinabing, "Pahingi ng number mo!"
Napa-iling na lang ako, tinalikuran siya't nagpatuloy sa ginagawa ko kasabay ng narinig 'kong sigawan mula sa likod ko't walang ulit na pagsabing, "Utang na loob kuya, mamamatay ka na nga, babae pa 'din inaatupag mo?"
Napamasahe na lamang ako sa noo ko dahil sa narinig, muli ay nagpatuloy sa paglalakad habang hawak-hawak ang ilang records ng mga pasiyente at mahinang bumubulong-bulong, huhulaan ko, aids siguro 'yung sakit nun.
"A-ate nurse.." Bigla akong napatigil sa malalim na pag-iisip at pagmumuni-muni ko nang may pasiyenteng biglang lumapit sa harapan ko't habang hila-hila ang kaniyang dextrose ay bigla niyang mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "M-mamatay na 'yata ako."
Napanganga ako, gulat dahil sa sinabi niya't 'tila nagpanic na agad-agad tawagin ang doctor nang bigla ko na lamang narinig ang sumunod niyang sinabi..
"Aatakihin na ako sa puso dahil sa.." Aniya't biglang itinapat ang hawak-hawak niyang kamay ko sa puso niya't nakangising sinabing, "Sobrang pagmamahal ko sa'yo!"
Napaface-palm na lamang ako, agad binitawan ang nakahawak niya sa'king kamay at kinalabit ang kakadaan lang na isa 'pang nurse habang nakasimangot na sinabing, "Pahingi 'nga ng isang pack ng 'pasensya' diyan, malapit na akong sumabog dahil sa mga tao dito eh-"
Pero bigla na lamang akong napatigil sa'king pagsasalita't pagdadrama sa kasamahan 'kong nurse nang may babaeng mahaba ang buhok at medyo matangkad na biglang bumangga sa'kin at habang patuloy na tumatakbo ay nakataas ang dalawang kamay niya't nakalabas ang kili-kiling hindi pa naha-harvest na malakas niyang sinabing, "Finally Ariel happened to me-este, Finally... I'm free! Wooh!"
"Nicole!!" Nanggigigil namang sabi nung isa sa tatlong babaeng humahabol sa kaniyang may intsik na mga mata't maputi na balat at habang patuloy na tumatakbo ay ini-angat ang hawak-hawak niyang malaking injection at malakas na sinabing, "Halika dito, tuturukan kita ng sandamakmak na pampa-patay sa kuto para mabawas-bawasan naman ang nilalamang kapistihan niyang ulo mo, leche-flan, kailangan 'mong tumino!"
"Leche Flan?" Agad namang sabat nung isa pa niyang kasamang babaeng patuloy na tumatakbo doon sa bumangga sa'king si Nicole at gamit ang 'tila bituing nagniningning niyang mga mata ay malawak na nakangiti niyang sinabing, "Yum! Masarap 'yun!"
"What the hell?" Inis namang sabi nung isa nilang kasamahang katulad nilang tatlo ay patuloy 'ring tumatakbo pero ang kaibahan ay nakapikit ang mga mata nito't habang natutulog ay patuloy na tumatakbong sinabing, "I'm not just sleep-talking, I'm also sleep-running! Damn, dapat ko na talagang bawas-bawasan ang paglaklak ng sleeping pills araw-araw!" Aniya't bigla na lamang naglaho katulad ng tatlo pa niyang kasamahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.