Kath
Hanggang ngayon, patuloy pa rin. Walang tigil at parang nasiraan lang ng preno kahit wala namang nagmamaneho. Parang isang gripo, dire-diretsong nagsi-buhusan ang mga luha ko, walang u-turn ni lipat ng kaliwa't-kanan. Sunod-sunod ang pagtulo nito. Pakiramdam ko, magiging best actress na 'ko nito.
"Sige lang, Kath." pagpapakalma sakin ni Kc na patapik-tapik pa sa balikat ko habang patuloy na umiiyak ako. "Iiyak mo lang yan, ilabas mo lang yan!" ngumiti pa siya sabay parang nag-eendorse lang ng Globe sinabing, "Go lang ng go~!"
"1, 2, 10—huh? Bakit ten agad? Ay—." Biglang sambit naman ni Marielle na kanina pa palang nandito sa tabi ko't nagbibilang.
"Shunga." pagdurugtong naman ni Alex sa sinasabi ni Marielle na siyang nagpatulis at sama ng tingin nito sa huli samantalang ang isa nama'y wala pakialam pa't poker-face lang sinabing, "Tanga talaga. Kailan pa naging kasunod ng 2 ang 10?"
"Nang magbilang ako?" inosenteng tanong naman ni Marielle kasabay ng unti-unting pag-angat ni Alex ng kanina pa niyang hawak-hawak na baldeng punong-puno na ng kanina pa nilang binibilang na luha kong ginawa nilang lalagyan nito para raw may mapasa sila sa project naming 'recycling'.
Napasinghot ako, sinubukang punasan muli ang mga luha ko pero kahit anong gawin ko, hindi talaga tumitigil ito. Argh. Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit.. Ang sakit-sakit na ng mata ko.
"Oh, ito pa!" biglang sulpot ni Nicole na talagang nagpalaki ng mga mata ko. Maluha-luha na ang mga mata ko nang mapatingin ako sa napakalaking box na hawak-hawak niya lalo na nang makita ko kung ano ang nasa loob nito. Ngiting-ngiti pa siya at sinabing, "More bawang~!"
Napanganga ako, nanlalaki ang mga mata't parang nakakita lang ng multo. Utang na loob, pagkatapos ng lahat na pagpapakahirap ko. Matapos ng ilang luhang na-ibuhos at sinayang ko para lang matapos ang 5 box ng pinahiwa't pinagisa nilang bawang sa akin.. Pagkatapos akong titigan dito ng tatlong bruha't parang tanga lang na binibilang ang bawat tulo ng luha ko sa balde.. I-ito pa? Ito pa ang nakuha ko? MORE BAWANG?! Dagdag pahirap?
"Kaya mo yan, Kath." pagsasarado naman ni Kc sa nakanganga kong bunganga't inilagay pa mismo sa harapan ko ang pinakasasawian kong bawang. "Fighting!"
Napabuntong-hininga na lang ako. Ano pa bang magagawa ko? Cooking activity namin ngayon sa'ming Home-Economics subject. Trip ng teacher naming magpa-luto samin ng iba't-ibang pagkain na freshly made from Philippines na siyang kakainin rin daw namin mamaya na kung talagang tanga ka eh, magpapaniwala ka samantalang palusot lang naman talaga niya iyon at bago pa man namin matikman ang mga iyon ay magpapaka-Ninja siya sa pagkuha niyon para masolo't kainin niya ang lahat nun mag-isa. Oo, rated PG talaga. Pinagrupo niya kami sa 5 at sa kamalas-malasan nga naman ay ang mga 'tong kalahi pa ni Sisa ang nakasama ko sa iisang grupo.
Tinitigan ko sila ng masama. Bukod sa walang katapusan nilang pagtitrip sa akin at panggugulo, wala rin silang ibang ginawa kundi ang titigan ako buong maghapon sa ginagawa ko't ni-isa sa kanila ay hindi marunong magluto. Nung una pa nga'y halos sumpain nila ang isa't-isa nang isa-isang tinawag ni Ma'am ang mga pangalan nila para sa groupings at halos magkasabunutan pa. Laking tuwa nga nila nang madagdag ako sa grupo nilang well, hindi naman sobra, hindi din naman kulang, yung as in.. tama lang na—ehem—mga baliw.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.