Hannah
"One Café au lait, for the monster--I mean, the b-beautiful Ms. Hannah Reyes." nanginginig na sabi nung waiter habang inilalapag sa table ang ini-order ko't mabilis na naglaho sa paningin ko nang pandilatan ko siya ng mga mata.
Napasimangot na lang ako, kinuha ang basong ini-abot niya't iinumin na sana iyon nang bigla 'kong mapansin ang design na nakalagay roon. A heart. Nanggigigil 'kong kinuha ang kutsara ko't agad isinira iyon, napatingin pa sa akin ang ibang mga tao nang makitang nagwawala na ako sa upuan ko't natapon na sa sahig ang halos buong laman nung ini-order ko.
"Walang forever!" mariing sambit ko matapos sirain ang design nuong puso't biglang napahagulgol ng iyak nang maalala ang lahat. Ang lahat ng sinabi niya, ang lahat ng mga salitang binitawan niya.
Napakagat ako sa labi ko't malakas na isinigaw, "Kaibigan lang pala!"
"Natalie." nanginginig na sabi ni Shaun nang makita ang babaeng nasa harapan niya, 'tila hindi makapaniwala sa mga nakikita niya't napakagat-labi pa habang sinasabing, "Y-you're back."
Malawak na ngumiti si Natalie, malayong-malayo sa mukha 'kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa't 'tila naging estatwa na sa kinatatayuan 'ko nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya.
"Of course, Shaun." nakangiting sabi pa niya't muling hinalikan sa labi si Shaun. Napanganga na lang ako, nakaka-dalawa ka na, ah! Ako naman pa-isa! "It's your birthday. I can't miss an important event of the love of my life."
Napanganga ako, bigla ay napakuha muli ng pizza't mariing isinubo iyon habang nakikinig sa usapan nila, mahirap na, baka mamaya kesa kainin ko ito't subuin sa bunganga ko ay hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko't mai-hampas ko na lamang bigla 'toh sa mukha nung Natalie na 'yun.
Napa-uwang ang bibig ni Shaun, 'tila hindi pa din makapaniwala sa mga nakikita't naririnig niya hanggang sa bigla na lamang siyang napatingin sa akin, dahilan para bigla ako mabilaukan sa kinakain ko't agad kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko, shet ka Hannah! May nangyayari na ngang kababalaghan--este, kadramahan sa harapan mo, ayan ka pa rin at kain lang ng kain! Nakaka-wapoise ka! Minus ganda points tayo niyan! Argh!
"Hi." bigla akong napatigil, unti-unting napa-angat ng ulo mula sa parang tangang pakikipag-usap sa'king saliri't nakita sa'king harapan ang isang taong espasol--este, si Natalie na nakangiti habang nakalahad ang kamay. Malawak muli siyang ngumiti sa akin at sinabing, "I'm Natalie, Shaun's girlfriend. You are?"
Napanganga ako, feeling ko nagsi-tulo na rin ang laway ko't pinapasukan na ng langaw dahil sa narinig ko. G-girlfriend? Napatingin ako kay Shaun, katulad ko ay 'tila gulat rin siya pero hindi katulad ko ay mukha pa rin naman siyang matino, nakakunot ang noo't diretso ang tingin sa akin.
Malalim akong napalunok, ini-angat ang kamay ko para makipagkamay kay Natalie at tipid na ngumiti, "I'm Hannah. S-shaun's w-wif--," napakagat-labi ako, muli ay napatingin kay Shaun at mariing napapikit ng mga mata sa muntikan nang masabi ko, shems ka talaga Hannah! Kita mong may girlfriend na nga ang tao, maga-apply ka pa as wife? "Ah, oo. Ako 'yung wifi niya haha! Palagi 'yan sa akin nakiki-wifi eh, ewan ko ba sa boyfriend mong 'yan, poor kid eh! Haha!" patuloy ako sa pagtawa ng alanganin at napakagat na lamang ng dila dahil sa katangahang dahilan, nice Hannah, ikaw na ang rich kid!
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.