Chapter 1 * Asawa *

12K 184 45
                                    

Kath

"What is marriage?"

Shit, I cursed. Agad kong inilipat ang tingin ko sa ibang bahagi ng test paper na ito at sinubukang maghanap ng mas matinong tanong na pwedeng sagutan ngunit napabuntong-hininga na lamang ako nang malamang, wala akong kawala.

Lahat ng questions na nakapaloob sa exam na 'toh ay parang laway kong permanente nang nakadikit sa one word, eight letters na salitang pinaka-iinisan ko. Walang iba kung hindi, Marriage.

"Ano Kath? Ano nga ulit yun?" Napasimangot ako. Agad akong kinalabit ng katabi kong babae pagkalabas ng teacher naming nagbabantay sa amin para sa exam na 'toh at itinanong ang mga salitang siyang pinaka-ayaw kong sagutin sa lahat. "What is marriage nga for you? 'The most horrible nightmare in my entire life?' Teka. Bakit wala sa mga choices dito? Wahahaha!"

Agad napuno ng tawanan ang classroom. Talagang bentang-benta sa kanila ang naging sagot ko kahit halos isang buwan na ang nakaraan sa pinaka-malas na araw kong iyon. Yung totoo mga 'teh, di usong mag-move on?

"Hay naku." ayan nanaman po siya. Sa lahat ng taong pwedeng maging ka-cheatmate ko para sa exam na 'toh, bakit dito pa talaga ako sa babaeng mahaba ang buhok, maputi ang balat at parang butas sa pagkaliit-liit ng mata itinabi para makakuha ng tamang sagot? "Akala ko love lang ang complicated, hindi ko aakalaing pati ang maliit na papel na ito ay papahirapan rin ako--"

"HUGOT!" at katulad ng pangaraw-araw na trip nila. Agad silang pumunta sa harapan at sinayaw ang 'Hugot Dance' ng Show Time. Tsk. Parang mga baliw lang.

Napa-ikot na lamang ako ng mga mata ko, tinitigang mabuti ang testpaper sa harapan ko at gamit ang mga nanginginig kong kamay ay sinimulan ko nang sagutan 'toh. Leche, bakit ba ang swerte-swerte ko?

"Uy guys! Need help! Waha! Anong sagot sa number--" at ayan nanaman po sila. Nawala lang saglit si Ma'am, nagsimula nang magtanungan with their cheatmates.

Napabuntong-hininga na lang ako. Buti pa ako, hindi lang maganda. Mabuti pang estudyante--chos. "Psst, best!" Agad na tawag ko sa bestfriend kong si Hannah na naka-upo lang naman sa harapan ko at 'tila permanente nang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanyang testpaper. "Pahiram nga saglit ng testpaper mo, titignan ko lang saglit ang sagot sa number--NANDIYAN NA SI MA'AM!"

At katulad ng araw-araw naming gawain, agad nagsi-balikan sa kanya-kanyang pwesto ang mga estudyante nang may 'satisfied smile' sa kanilang mga labi matapos makuha ang mga pangangailangan nila.

Napanguso ako. Tsk. Buti pa sila.

Tinitigan ko muli ang testpaper ko, huminga ng malalim at napalunok muna ng tatlong beses bago napagdesisyunang sagutan ito. Goodluck na lang sayo, Kath.

Hindi nagtagal ay natapos na rin ang unang parte ng aming examination at dumating na rin sa wakas ang aming break time, oras para makapag-review kaming mga estudyante't gisingin ang aming mga utak in extreme level para makapag-sagot ng maayos para sa exam na 'toh.

Napatingin ako sa mga katabi ko. Lahat sila ay busy mag-review at kahit 'tong mga SSC sa harapan ko ay parang mga bubuyog sa kakadada ng iba't-ibang info sa tabi ko.

Oo, lahat sila busy sa pagrereview. At ako? Well, busy rin naman yun nga lang--"Kuya! Pabili nga po ng kanin at hotdog niyo!" parang si Tarzan na sigaw ko. Hanggang ngayon, kumukulo pa din ang dugo ko't anytime eh, pwede na ring makapagpaprito ng tao sa sobrang inis ko sa nangyari kanina.

Nakakainis. Muntikan na nga akong ma-late dahil hindi ako ginising ng panget na bwisit na lalaking iyon tapos, eto pa? Ang unang-unang tanong na kailangang sagutan ko pa talaga sa araw na 'toh ay yung bwisit na one word, eight letters na iyon?

Napabuntong-hininga na lamang ako. Grabe, ang ganda-ganda naman ng Monday ko.

"M-miss, ano ulit 'yon?" nakakunot-noong tanong sa akin ni Kuya. Hawak-hawak na niya ang pinggang kanina ko pang hinihintay with rice and hotdog yun nga lang, kanin lang ang naruon at wala pa ang ulam kong hotdog.

Napahinga ako ng malalim. Easy Kath, mapagkakamalan kang patay gutom kung pati simpleng bagay na hotdog and rice ay ipaglalaban mo. "Ah, kanin at hotdog po."

Namutla ang lalaki. Titig na titig siya sakin kasabay na pagkunot ng noo ko lalo na nang sabihin niya ito. "Ah eh, wala na kasing hotdog. Ok lang ba kung..." lumapit siya sa akin at bumulong. "Yung akin na lang--WHAT THE!"

Bago pa siya makatapos sa mala-langit na kamanyakan niya ay agad kong ipinalo sa mukha niya ang makapal na libro kong talagang nagmarka sa manyakis na pagmumukha niya. "Ano, gusto mo pa ng isa?" inis na tanong kong parang tuta namang isinagot nung lalaki habang pakamot-kamot ang ulo at pailing-iling. Napa-roll eyes ako.

Biruin niyo na ang taong lasing, wag lang ang taong gutom na katulad ko.

"Gutom na 'ko, kung ayaw mong ihampas ka ulit nitong libro ko. Bigyan mo 'ko ng hotdog at kanin.. NOW NA!" at ayun, parang si Flash namang nagsitakbo ang kawawang manyakis na iyon para kumuha ng inuutos ko. Napangisi ako, "10 seconds lang ah? 10, 9, 8, 7, 6, 5---"

"Oo na! Eto na!"

Nanlaki naman ang mga mata ko saking nakita. Aba't, talagang bagong luto 'tong hotdog ah. Tinitigan ko siya. Pano niya nagawang lutuin 'toh ng ganun kabilis?

"Magkano?!" Oo, hindi talaga. Hindi talaga kami nagtatanungan. Nagsisigawan lang naman. Haha.

"35! Inis!"

Napatawa na lang ako sa inakto ni Kuya Manyakis at tsaka napahawak sa bulsa ko upang hanapin ang wallet ko't maayos nang makakain nang bigla kong malamang.. Shit! Nasan ang wallet ko?!

"Take this." Napatulala ako. Isang lalaking matangkad, maputi ang balat at may malalim na boses ang nakatayo ngayon sa harapan ko't siyang nagbayad ng pagkain ko.

Natahimik ang lahat. Himala ring napatigil sa kakatalak ang SSC ng kung anu-anong alien words nang bigla nilang makita ang kaklase nilang ngayon eh, tinutulungan lang naman ako.

"A-ah. Ok po." Mabilis ding ini-abot ni Kuya Manyakis sa kanya ang order ko. Aba, ang galang ah. Kinuha niya ang bayad at ini-abot din rito ang sukli para sa pagkain ko. "Salamat."

Napalunok ako.

Matapos niyang makuha iyon ay unti-unti siyang humarap sa akin at nakangising sinabing, "Kamusta ka naman asawa ko? Maayos ba ang exam mo?" Ngumisi siya at tsaka inilahad sa akin ang platong naglalaman ng pagkain ko. Napasimangot ako. Tinitigan ko siya ng masama kasabay ng pagtanong niya. "Sigurado ka bang nasagutan mo ang tanong sa number one?"

Nanliit ang mga mata ko, hindi dahil ginagaya ko ang pagkaka-intsik ng panget na 'toh kung hindi dahil sa nakakapanliit talaga ng pasensya ang presensya ng lalaking ito. (Oha! Nakapag-tongue twister pa ako.)

I now pronounce you, Husband and Wife.

Napalunok ako, ipinikit ang aking mga mata at agad ding idinilat ito upang alisin sa utak ko ang kung ano mang nakita ko. Kung may kantang Rain, Rain go Away. Meron ding kantang Malas, Malas, Go Away.

Agad kong ikinuha iyon sa kaniya at nakangisi ring sinabing... "Salamat, huh. 'Asawa' ko."

- - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - -- - - -- -- - - -- - - - - - - - - - -- -- - -- - - - - - - -- - - - -- -- - - - - - - - - - - -- - - -- - -

Author's Note: Hi! Hello po sa lahat ng nagbabasa ng story ko! ^ ^ Sana po ay suportahan nio ang 1st story ko at umaasa din po akong magcocomment at magvovote po kayo sa bawat chapter na ipopost ko.

Today's chapter is dedicated to my best friend Grace who always supports me lalo na sa story kong ito. Hahaha! Grabe kung kiligin yan kina Kath at Shin eh! XD!. Actually siya ung 1st reader nito simula nang sinulat ko to sa Notebook ko hehe. Love U Eunjung! Yeah siya c Eunjung ako c Jiyeon haha we love T ara and we are Queens :">

Meet Kath and Shin over there ~> Yung pic. po diyan ni Kath is yung scene kanina habang hinahabol niya si manong driver ng jeep. :D

LOVE YAH ALL! :D

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon