Kath
"Ay babaeng may balls!" gulat na sigaw ko pagkagising ko't agad napalayo sa salamin nang makita ang sarili ko. Dinuro-duro ko pa ito't biglang nasabing, "Who's that pokemon?"
"Bilisan mo." rinig 'kong sigaw ni Shin mula sa labas habang kinakatok ang pinto ko. "May pupuntahan pa tayo." sabi pa niya't agad na naglaho sa parinig ko kasabay ng pagkakakagat ko sa labi ko. Shet, aalis daw kami. Tinitigan 'kong muli ang sarili ko sa salamin tsaka napasimangot. Kamusta naman ang mukha ko?
***
"Jeez." rinig 'kong sabi ni Shin habang naglalakad kami, tinitigan niya ulit ako mula ulo hangga't paa tsaka nakangising sinabing, "Now I know how it feels like to be dating a zombie—Ouch!"
"Che!" inis na sabi ko sa kaniya't agad sinuot ang shades ko, oo, Kath. Ang taas-taas ng araw. Oo, talaga. Inirapan ko pa siya't sinabing, "Sino ba naman kasi ang nagsabi sayong makipag-date sa akin? Ako ba? Ba't hindi ka na lang makipag-date sa Kate mo?" bigla akong napatigil dahil sa nasabi, katulad ko ay bigla 'ring natigilan si Shin at diretso lamang itong nakatingin sa akin.
Napalunok ako't mariing napakagat ng labi. Oo, Kath. Sige pa, ipalabas mo 'pang affected ka pa din sa Kate na 'yun. Malalim na napahinga si Shin, seryosong tumingin sa akin at halos mawalan ako ng hininga sa mga salitang sunod na sinabi niya...
"Kath, it had always been you. Believe me, it's just you." napatulala ako, nakatitig lamang sa mga mata niyang seryoso at diretso ang tingin sa akin at halos hindi na makapagsalita nang bigla niyang mahigpit na hinawakan ang kamay ko't sinabing, "I love you, Kath."
Napangiti ako, mahigpit din siyang hinawakan pabalik at tsaka nakangiting sinabing, "Gusto sana kitang halikan kaso naalala ko, maarte nga pala ang ka-date ko—" pangasar 'kong sabi sa kaniya't halos matawa ako sa biglaang sagot niya.
"W-wait, what? Sinong maarte?" napakagat-labi ako, pinipigilang mapangiti pero hindi maiwasang manlaki ang mga mata nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya't sandaling hinalikan.
Napanganga ako, titig na titig sa nakangisi nanamang mukha niya, parang naka-jockpat lang at nabigyan ng jacket at cd ang loko at halos matuluyan na talaga akong mawalan ng hininga sa sumunod na sinabi niya.
He looked at me with those sexy eyes and said, "Hmm. I always thought zombies tastes so bad but yet," bigla niya akong niyakap ng mahigpit at sinabing, "You tasted so sweet."
Mabilis na namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya, feeling ko sasabog na ito sa sobrang pamumula kaya bago pa man ako matuluyang maging bulkang sumabog sa kilig agad ko na siyang hinila at pumila papasok ng mall. Napanguso ako, umagang-umaga, minamanyak nanaman ako ng panget na 'toh—eh gusto mo naman—Heh! Tumahimik ka nga diyan mala-SPG 'kong utak!
"Thank you, Ma'am." sabi sa'kin nung guard matapos halukayin—este, i-inspect ang bag ko't pinadiretso pa ako sa isa nilang kasamahan para i-inspect naman ang katawan ko. Oo, kriminal ata ako.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.