Kath
"Are you done?" Naiinip 'nang tanong sa'min ni Ma'am, naka-taas pa ang dalawang kilay at walang pigil na pinapaypayan ang sarili niya kahit nakatapat naman na sa kaniya ng buong-buo ang aircon. "Please pass your artworks-"
"Takte." Nanggigigil na sabi ni Alex mula sa likod ko, ilang beses 'pang napabuntong-hininga ng malalim at nagulat na lang ako nang bigla niyang itinapon sa 'kung saan ang hawak-hawak niyang lapis at habang marahas na pinu-punit ang ginuhitan niyang papel ay mariin na sinabing.. "Tao ba 'toh o kabayong tinubuan ng paa at mukha ni Vice Ganda?"
"Humayghad." Exaggerated namang sabi ni Marielle mula sa tabi ni Alex, biglang hinawakan ng mahigpit ang papel niya't nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla niya itong itinapat sa mukha niya't parang kumakain lang ng ice cream na dini-dilaan habang sinasabing, "Litsi. Ano 'bang klaseng ice cream 'toh? Ba't lasang papel?" Aniya't muling nagpatuloy sa kaniyang medyo madamong gawain.
Nagulat naman ako't talagang napanganga nang bigla-biglang tumayo mula sa harapan ni Marielle si Kc at marahas na hinalikan ang papel niya, 'tila fini-french kiss ito habang sinasabing, "Emeghed. Bakit ganiyan ang lips mo Sehun labs? Lasang pinaghalong crayons at lapis pero ok lang, masarap pa 'din! Ahihi!"
Napa-iling na lang ako sa mga kalokohan nila, tatayo na sana't magpapasa na ng ginawa 'kong activity nang biglang nauna sa'kin si Nicole at habang hawak-hawak ang papel niya ay malakas na sinabing, "Wala kayo sa artwork ko! Wahahah!"
Napa-iling na lamang kaming lahat dahil sa sinabi niya kasabay ng tuluyang pag-abot niya ng kaniyang papel kay Ma'am at malawak na nakangising pangasar lang na sinabing, "Pinakamaganda sa lahat ang artwork ko, Ma'am! Tignan mo.." Aniya't itinapat pa talaga ito sa mukha ni Ma'am habang sinasabing, "Kala mo painting, 'noh? Huh! Drawing ko lang 'yan-"
"What's this?" Basag trip na sabi ni Ma'am, mariin 'pang ini-agaw mula sa kamay ni Nicole ang artwork niya't naka-taas kilay na sinabing, "Bakit blangko ang gawa mo?"
Malawak namang napangisi si Nicole dahil sa sinabi ni Ma'am at mayabang na sinabing, "Nag-drawing po ako ng kambing at damo."
Napatingin ulit si Ma'am sa ipinasang papel ni Nicole, ginamitan pa ito ng makakapal na frames na salamin niya't pikong sinabi nang wala siyang makita kahit isa sa artwork ni Nicole, "Are you freaking kidding me, Ms. Reodica? Wala akong damo na nakikita dito. Tell me, nasan? Nasan ang damo-"
"Malamang nasa labas Ma'am, as if may nakikita kayong damo dito." Parang wala lang na sabi ni Nicole at balak na sanang umalis sa harapan ni Ma'am nang bigla siya nitong binigyan ng masamang tingin kaya biga siyang napangiti ng alanganin at habang kamot-kamot ang kaniyang ulo ay sinabing, "E-este, ubos na po, Ma'am. Ubos na ang damo, kinain 'nung kambing."
Nanliit na lamang ang mga mata ni Ma'am dahil sa kaniyang sinabi't muli ay napatingin sa artwork niya't iritadong sinabing, "Eh nasaan 'yung kambing-"
"Ano 'pa 'bang gagawin ng kambing diyan eh, wala 'nang damo? Malamang umalis na 'yung kambing, Ma'am! Like, duh! Common sense naman, Ma'am!"
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.