Hannah
Napatulala ako, laglag ang panga't halos lumuwa na ang mga mata nang makita 'kong sira-sira na't wasak na wasak na ang screen ng iPhone ko matapos 'kong maitapon iyon sa sobrang gulat dahil sa mga salitang narinig. Napakagat-labi ako't malawak na napasimangot, shet! Nandun pa ang mga selfie ko!
"Ma'am naman!" nagulat na lang ako nang biglang kinuha nung waiter na nag-abot sa akin kanina ng ini-order ko ang ngayong namamaalam na sa aking iPhone ko kasabay ng pagsabi niyang, "Sabihin niyo lang po kung ayaw niyo nang mag-iPhone, I'm free to accept--Aray ko po!"
"Free to accept more palo, gusto mo?" inis na sabi ko sa kaniya't pinandilatan muli siya ng mga mata matapos ko siyang hampasin ng bag ko't sinabing, "Sabihin mo lang, I'm free to accept more biktima rin." dagdag ko pa't ini-angat pa ang bag kong pampapalo muli sa kaniya.
Agad namang napangiti ng alangin si Kuya kasabay ng pag-peace sign niya sa akin. "Hehe. Ma'am naman, peace po tayo. Joke lang 'yun! Sabi nga po nila, juk-juk-juk!" napangiwi na lamang ako sa napaka-epic na pagsabi niya ng joke, joke, joke.
"At may kasabihan ding some jokes are half meant." nanggigigil na sabi ko sa kaniya't ini-handa ko na ang bag ko para sa muling paghampas sa kaniya. "Kaya pagnag-joke ako sa'yong patay ka sa'kin, ngayon pa lang.. Lumayas ka na!"
Para namang niregla't natagusan sa pwet na naglaho sa paningin ko ang waiter habang ako ay nandito pa rin, tulalang-tulala't mabilis na namumuo ang luha sa mga mata habang nakatingin sa tuluyan nang namaalang iPhone ko. Napasimangot ako at muling napahagugol ng iyak, ang mga selfies ko.. No!
***
"Sorry, Ma'am. Wala na po talaga." malungkot na sabi sa akin ni Kuya, marahan niya akong tinapik sa balikat at nakatungo ang ulong sinabing, "Hindi na po talaga namin mai-aayos iyang iPhone mo." sabi pa niya't hinarap ako na marahang tinatango ang ulo. "It's time to say goodbye."
"Waa!" napahagulgol ako ng iyak, tinitigan muli ang iPhone ko't patuloy na naluha sa mga selfie--este, memories na pinagsamahan naming dalawang sa isang iglap lang ay biglana lang nawala. "I'm sorry, baby! Sorry talaga!" pagyayakap ko pa ng isang beses sa iPhone ko't suminghot muna bago sinabing, "We'll meet again next time, ok? Wait for me on the other side.. Ajuju!"
Mag-isa akong tumambay ngayon sa park, namamaga ang mga mata't patuloy pa 'ring naluluha dahil sa malubhang inabot ng iPhone ko.
Napabuntong-hininga na lang ako't napatingin sa mga tao sa paligid 'kong kasa-kasama ang mga boyfriend nila't nakikipag-selfie pa. Napasimangot ako habang nakatingin sa kanila't napakanta ng wala sa oras, "All by myself---"
"Good day, everyone!" napatigil ako, bigla ay napahinto ako sa pagdadrama ko't naestatwa na lamang sa kinauupuan ko nang marinig ang boses na iyon.
Unti-unting lumalapit ang mga tao, nakangiti ang mga mukha't inabangan ang kantang a-awitin niya para sa araw na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.