Kath
"First horse, second horse.." pagbibilang ko sa mga puti at naglalakad na mga kabayo--oo, di uso sa akin ang sheep--sa isipan kong kanina pa sipa ng sipa pero kahit anong gawin nila't kahit maka-ilang sipa pa ata sila ay hindi na ako magagawa pang dalawin ng antok. "Third horse, fifth horse--ay tanga, pang-fourth pala muna." Napabuntong-hininga na lang ako, mariing ipinikit ang aking mga mata't sa pang-sampung beses ay umiling at muling sinabing, "Ano ba, Kath. Matulog ka na. Please, lang. Tama na."
Napakagat-labi ako nang sunod-sunod na namang bumuhos ang mga luha ko, ilang beses pa't napamura't sinabing, Bastos talaga 'tong mga luha eh, sabing tigil na eh! Pero kahit maka-ilang beses pa atang akong magmura't magsumpa sa mga luhang 'toh, mahirap ang tumigil at makatulog ng mahimbing lalo na't sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko't takpan ang tainga ko ay para akong pinapatay sa sakit sa tuwing makikita ko ang mukha niya't sinasabi ang mga salitang ito..
"I love Kath, I really do."
"Shit." nanlaki ang mga mata ko, agad inalis ang kumot sa mukha ko't pinagkunutan ng noo ang sarili ko't dinuro-duro pa ito, Teka. Line ko dapat 'yun ah? "Baka kung ano nang nangyari 'dun, tignan mo, tanghali na hindi pa din nagigising! Shet.. Baka na-deads na siya?!" mas lalong napakunot ang noo ko sa narinig, huh? Sinong nagpakamatay? Ako?
Pero bago pa man ako makapagsagot at lahat-lahat, nagulat na lang ako nang biglang nagbukas ang pintuan at iniluwa ang 'tila sinanibang mga mukha nina Hannah at ate Elaine, nakanganga't 'tila hindi makapaniwala sa mga nakikita nila.
"Oh my ovaries!" napangiwi ako nang marinig ang madramang pagsasalita ni Hannah at aktong mahihimatay, humawak pa sa kamay ni ate Elaine at nanlalaki ang mga matang sinabing, "Patay na nga ang bestfriend ko ate, patay na si Kath! Alien lang 'yan! Waa--Ouch! Stop hurting my feelings!" ngiwi niya nang batukan siya ni ate sa ulo't tinignan pa ito na parang kawawang tuta. "Kala ko ba, friends tayo? Bakit mo ako sinasaktan? Ahuhu--aray! Ate naman eh--"
"Gaga." iling naman ni ate Elaine at tsaka kinaladkad si Hannah palapit sa akin. "Si Kath 'yan, naging zombie lang." sabi pa niya't tinitigan ako mula ulo hanggang paa pero agad ding napa-iwas ng tingin. Napasimangot ako, di na ata kinayanan.
"Gosh, Kath." rinig 'kong sabi ni Hannah na ngayon ay 'tila takot na takot lumapit sa akin at sinabing, "Saang kabaong ka nanggaling--Aray! Grabe ah, bagay talaga kayong maging mag-Sister in Law ni ate, parehas niyong sinasaktan ang feelings ko! Ahuhu!" sabi pa niya't muling ngumiwi habang minamasahe ang ulo niyang naka-ilang beses nang nabatukan dahil sa mga kabaliwang pinagsasabi niya.
"Kabaong ka diyan, anong akala mo sa akin? Bangkay--"
"Oo--aray! Oo na, hindi na!" sabi ulit niya't tuluyan nang nanahimik nang makatanggap ng dalawang batok na naman mula sa amin ni ate Elaine.
Napabuntong-hininga na lang ako't muling napasimangot, ganun na ba kalala ang itsura ko? "Ate Elaine." tawag ko kay ate na ngayon ay mukhang di pa din ako kayang tignan at tumango lang habang nakatingin sa kawalan. Napanguso ako. "Panget ba ako--"
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.