Kath
"Mommy!"
Napakagat-labi ako, pinigilan ang sariling i-angat 'tong hawak-hawak 'kong kutsilyo't gawing human lechon ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Malawak ko siyang nginitian, mabibigat ang mga kamay na ibinaba ang kutsilyong hawak-hawak ko bago ko pa man maitapon iyon at maglaro ng darts na hindi lang basta-basta board ang tataman kung hindi pati 'yung nakakarinding boses na tumatawag sa'king iyon nang wala sa oras.
"Yes, Baby?"
Malawak siyang napangiwi dahil sa sinabi ko, ang kaninang malaking ngising nakaguhit sa labi niya ay biglang nawala nang marinig niya akong tawagin siya sa ganong paraan, dahilan para ako naman ngayon ang unti-unting mapangisi dahil sa kaniyang naging reaksyon sa ginawa ko kasabay ng pagsabi niyang...
"Stop calling me baby, will you?" Nakasimangot na sabi ni Princess Kath, iyong batang dati nang ipinakilala sa'kin ni Shin, 'yung maliit na babaeng palaging may dala-dalang manika't nakatago ang ulo sa ilalim ng makapal na tela at ang taong nagbigay sa'kin ng isang matinding hamon sa ngalan ng pagiging 'Mommy' niya. Mahigpit niyang hinawakan ang manika niya't nandidiring sinabing, "It creeps the hell out of me, just call me 'master', ok, Mommy?" Aniya't muling ngumisi.
Napa-ikot na lamang ako ng mga mata, pasimple 'pang inirapan siya't bumulong-bulong, "May pa-master, master ka 'pang nalalaman diyan, di ka naman marunong magtimpla ng sariling gatas mo. Tss. Alisin ko 'yang diaper sa pwet mo eh—"
"Ano 'yun, Mommy?" Bigla akong natigilan nang marinig ang boses na iyon, agad nag-angat ng tingin at nanlaki ang mga mata nang biglang makita ang naka-taas na kilay niyang mukha sa'king harapan. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras kasabay ng pagsabi niyang, "May sinasabi 'po' kayo?"
Napalunok na lamang ako, malawak siyang nginitian at gamit ang nanginginig na labi ay sinabing, "A-ah, wala po, Master."
Biglang napalitan ng mapangasar na mukha ang kaninang parang maamong manikang pagmumukha niya. Agad-agad siyang lumapit sa'kin at parang aso lang na tinapik-tapik ang ulo 'kong sinabing, "Very good, Mommy."
Napa-iling na lamang ako, hinayaan siya sa walang tigil na panti-trip niya sa'kin at pinagpatuloy na lamang ang gawain ko. Napabuntong-hininga ako, inis na hiniwa ang natitirang piraso nuong carrots na kaninang ginagawa ko't napasimangot, kung bakit ba naman kasi ako pumayag sa pinapagawa ni Shin?
Wala ngayon dito si Shin, buong araw siyang babad sa trabaho't abala sa pag-aayos ng problema sa kumpanya nila. Dahilan para pakiusapan niya akong bantayan muna itong prinsesa niya't magpaka-hirap sa pagpapakahaba ng pasensya 'kong konting-konti na lang ay parang katinuan 'ko lang na malapit nang maubos.
"Mommy, faster! I'm hungry!" Malakas nanaman niyang pagtawag sa'kin, pinagdadabog pa ang paa niya sa sahig at patuloy sa pagda-drama habang naka-upo sa lamesa. Napabuntong-hininga na lamang ako, ilang beses na nagpakawala ng mga malalalim na hininga't walang tigil na sinasabing, bata pa lang 'yan, Kath. Mas maliit sayo. Ni-hindi pa nga marunong maghugas ng sariling pwet niya kaya, utang na loob, habaan mo ang pasensya mo!
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.