Chapter 3 * Kiss *

7.3K 122 20
                                    

Kath

Nakauwi na kami't lahat-lahat. Hindi pa din nawala sa utak ko ang mga katagang sinabi niya. 

"Wait until your 18th Birthday, you'll know the answer." 

"Your 18th Birthday, you'll know the answer." 

"Answer.." 

"Ay lalaking di 'tuli!" Gulat na sigaw ko nang bigla niya 'kong binuhat habang papa-akyat ako ng hagdanan. Leche, ang fats ko... Madidiskubre niya! "Hoy! Ibaba mo nga ako--" 

"Shit, Kath." mahinang bulong niya kasabay ng kaniyang pagkagat sa labi. "Ice cream lang naman ang kinain mo, diba? Ni-hindi mo nga naubos yung lunch mo kanina. Damn, bakit ang bigat-bigat mo--" 

"SIGE! 'PAGSIGAWAN MO! OO! IPAGLANDAKAN MO PANG MABIGAT AKO!" inis na sigaw ko sabay takip sa bunganga niyang delikado at mapanghamak. Kainis. Nalaman na nga niya ang sikreto ko, balak pa niyang ipagkalat sa buong mundo? Tsk. Bigyan mo naman ako ng kahihiyan, Shin! 

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Buhat-buhat pa rin niya ako habang pa-akyat kami sa taas at ni-hindi man lang ako binababa kahit saglit. Tss. Tignan mo 'toh, pasabi-sabing mabigat ako, kung buhatin naman ako, para lang akong papel na pwede niyang punitin kung kailan niya gusto. 

"Bakit ba kasi nakatulala ka lang kanina?" Sabi pa niya habang buhat-buhat pa rin ako at papalapit na kami sa kwarto ko. "Don't tell me, you're thinking 'bout me and my handsome face, my body and abs--" 

"WOOH! Bigyan ng jacket!" inis pa ring sigaw ko, tinitigan siya ng matalim sa mata at inirapan. "Sa sobrang hangin mo, di lang ata jacket kailangan mo.. HEATER NA!" 

Tumawa lang siya at tsaka balewalang ibinaba lang ako sa kama kong parang unan. Shit.  Kulang na lang ay mapa-facepalm ako kung hindi lang ako nakahawak sa balakang ko ngayon. Tss. Kainis. Napaka-gentleman talaga ng panget na 'toh. Grabe, ibang-iba na talaga ang panahon ngayon. Oo, binabalibag na lang pala ang mga misis ngayon. Tss. 

"Wow." sarcastic na sabi niya sabay stretching sa harapan ko matapos niya akong ibinaba. "Matagal din akong hindi nakapag-workout. Pero, yung katawan mo? Tsk. Mas mabigat pa ata sa dumbel na pinuno ng simento kaya mas lalong na-enhance ang mga muscles ko--AWW!" 

"Umalis ka nga!" nanggigigil na sabi ko matapos ko siyang batuhan ng unan sa mismong mukha niya. "Kainis. Magbibihis ako! Gusto mo pa atang tumunganga habang nagbibihis ako--" 

"Hmm. Pwede rin--ARAY!" 

"LAYAS!" parang Leon na sigaw ko at tsaka itinuro ang pintuan palabas. Nakangisi naman siyang lumingon sa akin bago tumalikod at tinalikuran ako upang mawala na sa paningin ko. Bwisit! Ang manyak-manyak talaga ng isang 'yun! 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon