Kath
"Next please." bigong sabi ng aming adviser, ilang beses 'pang napakamot sa kaniyang ulo at halos maglagay na ng earphones sa kaniyang tainga para maprotektahan ito mula sa kaniyang mga naririnig. Isang beses 'pa niyang ini-angat ang ballpen niya't sinabing, "Ms. Nicole Reodica, you're next."
Malawak namang napangiti--este, ngumisi ang loka sa likod ko, kinalabit pa ang mga katropa niya't sinabing, "Humanda kayo sa susunod na maririnig niyo. This is gonna be amazing--"
"Oo, Niks. Maghahanda talaga kami." walang emosyong sabi ni Alex, as always, sabay tingin sa mga katropa niyang 'tila nanginginig na't may hawak-hawak pang earphones. Bumuntong-hininga siya't sabay sinabing, "In one, two, three.."
Tumango sina Kc at Marielle, nagkatinginan sila nina Alex at malakas at sabay-sabay 'pang isinigaw. "Lagay na ng earphones!"
"Grabe, guys!" agad na pagda-drama ni Nicole. Tinitigan ng masama ang mga kasama niya't nakahawak pang sa dibdib na sinabing, "Ang sakit-sakit niyo naman sa feelings! Suportahan niyo naman ako kahit papaano! Kaibigan ko ba talaga kayo?" sabi pa niya't pinalo-palo pa ang kaniyang dibdib habang kunyaring lumuluha ang mga mata niya.
"Oo naman, Nicole!" pangasar na sagot ni Kc, inakbayan pa siya't sinabing, "Kaibigan mo kami. Kaya nga namin ginagawa ito eh, para bukas may kaibigan ka pang nakakarinig!"
Malakas na nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Kc, nakipag-appir pa sa mga katropa niya't sabay-sabay na humarap kay Nicole at nag-boom panes! Napa-iling na lang ako, ano pa nga ba?
Nakasimangot tuloy na pumunta si Nicole sa harapan, tinitigan ng masama ang mga kaibigan niya't ni-hindi pa nga siya nagsisimula ay agad-agad nang nagwi-wave ng mga kamay na parang nasa isang concert lang pero iba-ibang kanta naman ang pinapakinggan sa mga earphones nila't malakas 'pang sumigaw, "Go Nicole!"
Napakamot na lang si Nicole, nakangusong tinitigan si Ma'am at sinabing, "Ma'am, kaibigan ko po ba talaga ang mga 'yun?"
Napa-iwas na lamang ng tingin si Ma'am, isinuot muli ang salamin niya't naka-iwas tinging sinabing, "Do you really want me to answer that?"
Napadabog na lang na kakamot-kamot sa ulo si Nicole sa sobrang inis, isang beses 'pang tinapunan ng masamang tingin ang mga kaibigan niya't malalim na huminga bago nagsimula..
"I CAME HERE LIKE A WRECKING BALL---"
"Ok, Ms. Reodica. Makaka-upo ka na." Agad na sabi ni Ma'am bago pa man tuluyang masira ang eardrums niya't tinuro pa ang upuan ni Nicole na nakanganganga't bigla-bigla na lamang napatigil sa feel na feel na niyang pagkanta. Muling lumunok si Ma'am at sinabing, "Utang na loob. Umupo ka na."
"Grabe, Ma'am!" papalo-palo sa dibdib na emote ni Nicole at tsaka slow-motion 'pang naglakad papunta sa upuan niya. "Akala ko ba friends, tayo? Ang sakit niyo talaga sa feelings!"
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.