Kath
Napalunok ako. Sinubukang lunukin na lamang ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa mga mata ko kahit ang sakit-sakit na.
"Naman eh!" mariing sinabi ko nang tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Kainis. Sabi ko, wag muna. Wag muna eh!
Biglang napatingin sa akin si Shin, dahilan upang magsi-taasan ang mga balahibo ko't mapalunok ng sobrang lalim. Shit, those eyes. Those scary and creepy eyes.
He looked at me, as if asking why I was crying. Napalunok ako. Shit. Bakit ang gwapo pa din niya kahit galit?
"Ah, eh. Nakakaiyak kasi--Oo, nakakaiyak talaga. Haha! Nakakaiyak kasi 'tong pinapanood ko. Gusto mong maki-share?" lawak na lawak pang ngiti kong sabi sa kaniya habang inilalahad ang cellphone ko sa kaniya kung saan ako nanonood pero inirapan niya lang iyon at diretsong tumingin ulit sa kalsada. Napa-taas na lang ako ng kilay. Wow ha, antaray!
"Paano magiging kaiyak-iyak yan eh, sa pagkaka-alam ko. Comedy ang genre ng movie na 'yan." Napalunok ako, muling napatingin sa cellphone ko at napakagat-labi.
Shit. Ang galing mo talaga, Kath. Kung pwede lang pumalakpak, ginawa ko na.
"Pag nagsusuka, buntis agad? Di ba pwedeng nakita ka lang muna?" sabi pa ni Vice sa pelikulang 'Praybeyt Benjamin' siyang mas lalong nagpalawak sa ngisi nung bwisit. Napakagat-labi na lang ako nang malamang hindi nga pala naka-connect sa earphone ang cellphone ko kaya lahat ng sasabihin ni Vice, maski mga maliliit na sound effects ng pelikula ay talagang maririnig at maririnig ni Shin.
Napaface-palm na lang ako. Grabe, you're the best Kath! Ikaw na! Master of palusot.com talaga!
"Ah, eh." Bago pa ulit ako mapahiya, agad ko nang tinago ang cellphone ko at ini-off ito para sa kabutihan ng lahat. Kainis, magpapalusot na nga lang. Epic fail pa. Naman eh.
Kanina pa kasi kami tahimik dito ni Shin, kanina pa rin akong nakatingin sa kaniya't napapaluha na lang dahil natatakot talaga ako sa pagiging seryoso niya at mas hahangaring magbayangan na lang kesa maging ganito ka-creepy ang atmosphere sa loob ng kotse niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" actually, kanina ko pa talaga tinatanong yan sa kaniya. Nagbabakasakaling baka maya-maya eh, sasagutin na rin niya ako ng matino pero sa lahat-lahat ba naman na pwedeng ikasagot niya ay ang intense glare niya ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
At katulad nga ng kanina, tinitigan lang niya ako saglit and with that, agad akong napa-iwas ng tingin at nasabing.. "Oo nga, sabi ko nga. Tatahimik na."
Napabuntong-hininga na lang ako. Tsk. Saan ba kasi talaga kami pupunta? Kanina ko pa nililibot ang paningin ko dito pero kahit isang clue, wala akong makita. Tss. Nakakainis naman eh. Manghihila na nga lang 'toh kung saan-saan, hindi pa sa akin sasabihin kung saan ba.
Nagulat na lang ako nang bigla kaming tumigil sa isang mataas na building. Akala ko nung una, dadaan lang kami dito at tutuloy nanaman sa 'trip to heaven' na biyahe ata namin ngayon ni Shin kung hindi lang siya tumigil sa lugar na ito at nagpark sa parking area nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.