Chapter 38 * Wedding Dress *

1.6K 37 1
                                    

Hannah

"Ahuhu." 

Natigilan ako. Nakaupo lamang ako sa garden ng school habang nagbabasa ng libro, hindi ko alam kung bakit pero ito ang favorite place ko. Masyadong peaceful at 'tila pagsayaw ng hangin at ang paggalaw lamang ng mga halaman ng puno o bulaklak ang naririnig rito kaya nagulat ako nang marinig 'iyon'. 

Umangat ang tingin ko mula sa binabasang libro papunta sa aking paligid, kinakabahang baka ay totoo ang kumakalat na balitang may babaeng batang naligaw at nagahasa raw rito kaya't hindi ito matahimik at ngayon ay... Nagmumulto!

"Ahuhuhu." 

Napalunok ako, humigpit ang hawak ko sa aking libro at halos magusot na ang mga pahina nito sa unti-unting pamamasa ng kamay ko. Juicecolored. Sabihin niyo, may diperensya lang talaga ang tainga ko kung hindi.. Mapapatay ko kayo!

"Ahuhuhu." 

Napatakip ako ng tainga, umaasang wala lang iyon at nananaginip lamang ako. Oo, tama. Panaginip lang ito. Wala talagang multo dito---

"KYAAAH!!! BWISIT SILA---"

"OH PLEASE LANG, TUMAHIMIK KA NA!" 

Kasabay ng muling pag-iyak niya ay ang pagtayo ko sa sobrang takot at ang pagkita ko sa pinaka-unang pagkakataon sa isang multo---'teka, multo? Eh, tao kaya ito!

Nagkatinginan kaming dalawa. 'Tila napatulala sa kagandahan naming dalawa pero *ehem* totoo, walang halong kasinuwalingan, ang ganda ko--este, ang ganda pala namin. 

Tinitigan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero sa kabila niyon ay hindi maitatago ang galit sa kanyang mga mata lalo na't namumula ito at anytime eh, baka makapatay ng tao. Napalunok ako. Shemay, wag naman sana ako!

Tahimik lamang kaming dalawa. Wala atang balak magsalita nang bigla na lang siyang tumayo at lumapit sa akin, sa unang pagkakataon... May lumapit sa akin! 

Napatulala ako, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Walang tigil sa pagtibok ang puso ko at halos lumabas na ito mula sa dibdib ko lalo na nang bigla siyang tumalon at yumakap sa akin.

Hindi para magpatawa at sirain ang mala-MMK moment na ito pero, yung totoo, maliit talaga siya. Wala akong magagawa, hindi ko naman kasalanan kung bakit ako pinanganak na maganda na, matangkad pa, mala-beauty queen lang ang peg, kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit tumalon na lang siya upang abutin ako. Gravy, naka-heels na pala siya sa lagay na iyan!

Pero, honestly. B-bakit? Bakit niya ako niyakap? Kilala ba niya ako? Hindi, imposible iyon. May tao bang nakakakilala sa isang katulad ko? Umiiyak siya. Halos pati puso niya, ilabas na niya sa sobrang pag-iyak at paghikbi niya. Naawa pa ako sa uniform ko dahil bagong laba pa lamang nito, nabasa na kaagad... Sa hindi ko pa kilala! Pero, b-bakit? Anong dahilan niya? B-bakit siya... Lumapit sa akin?

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon