Chapter 7 * Pendant *

4.7K 90 10
                                    

Kath 

'Belle Dame', 2 words, 9 letters. Naka-italic na mga letrang nakasulat sa ilalim ng litratong pinaka-una kong napansin pagkapasok ko rito kung saan ramdam mo talaga ang pag-iingat sa bawat letrang isinulat ruon. 

At oo, sa kindahaba-haba ng oras na pagtatambay namin dito, ngayon lang talaga ako nakapasok dito. Actually, hindi pa nga ako talagang nakapasok kasi nandito pa lang ako sa garden nila habang yung walanghiya kong Asawa ay 'tila naglahong parang bula matapos niyang yakapin na parang baby ang mama niya. Mabuti na nga lang at nakita ako ruon ng katulong nila sa labas ng gate nila at agad ako ipinapasok bago pa man ako makagat sa pwet nung asong gala kanina't maging estatwa sa kakahintay ng himala.

Napasimangot ako. Buti pa ang katulong, naalala ako. Pero yung asawa ko? Grabe, binabaliwala na lang ako. Ahuhu.

Napakunot ang noo ko, 'tila napapataas rin ng kilay habang nakatitig sa painting na iyon at pinipilit alamin kung sino ang babaeng nakatalikod at may maikli at itim na itim na buhok ruon. 

"Siya ang first love ni Shin." natahimik ako, unti-unting lumingon at tsaka nakita ruon ang nakangiting si Shin na may mahabang buhok at mapupulang labi--haha, joke lang. Mama niya 'yun, mukha lang talaga siyang babaeng version ni Shin. 

Tatlong beses akong napalunok, huminga ng malalim at nanginginig ang mga labing sinabing.."A-ah, eh. Good morning po." magalang na pagbati ko kasabay ng pagyuko ko ng ulo ko bilang pagrespeto. 

Nagulat naman ako nang bigla kong naramdaman ang kamay niyang nasa buhok ko at 'tila tinapik-tapik 'toh. Unti-unti akong napa-angat ng tingin at muling nakita ang maamo niyang ngiti. Napatulala ako, grabe.

Nung una ko siyang nakita, hindi ako makapaniwala na may anak na pala siya't medyo may edad na rin. Pero, ngayon? Juicecolored. Mag-ina ba talaga sila ni Shin? 

"Bakit nandito ka lang? Tara't pumasok sa loob." nakangiti niyang sabi at tsaka ako inakay papasok sa loob. 

Napatulala ako nang masilayan ang kabuuan ng living room ng kanilang bahay, feeling ko, magkakasundo talaga silang dalawa ng utak ko dahil sa pagiging nature-loving ng utak ko. Nag-ikot sa buong sala ang mga mata ko, 'tila hindi mawala ang paghanga sa mukha ko lalo na nang makita ko ang malaking pamaypay ruon na may disensyong iba't-ibang tradisyunal na bulaklak. 

Agad ko iyong kinuha at tsaka nagposing na parang si.. Mulan! Chos. 

"Maupo ka, iha." napatalon ako sa gulat nang muling marinig ang mahinahon na tinig ng kaniyang mama at tsaka naupo ako sa upuang nasa harapan niya. 

Napalunok ako. Patay kang Kath ka, masyado ka kasing pakialamera. Baka mamaya mapagalitan ka. Ahuhu. 

Nagulat naman ako nang biglang makitang ngumiti ang mama niya kasabay ng pagsabi niyang, "Tama nga si Shin. Napakaganda mo, iha." 

Napangisi naman ako, gusto ko sanang--I know right, tita?--Kaso baka masira ang moment kaya ngumiti na lang ako at yumuko ulit sabay sinabing, "A-ah, salamat po." Haha! Pa-shy type. Lol.

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon