Kath
"Ahuhuhu." patuloy na pag-iyak ko, kumuha pa ng panibagong set ng tissue tsaka muling suminghot ng napakalakas-lakas rito.
"Please Mia." pagpapatuloy ni Adam at tsaka muling sinabing, "Don't make me write a song."
"Ahuhuhu!" ang kaninang mahinang paghikbi ko ay mas lalo pang lumakas kasabay ng muling pagsinghot ko sa tissue.
"Tsk. Para kang tanga." rinig kong sabi ni Hannah habang nasa tabi ko't preskong-preskong kumakain lamang ng popcorn habang pinapanood akong ngumuwa at mag-iiyak na parang broken-hearted dito kesa ituon ang kaniyang paningin sa movie na pinapanood namin. "Psh. Tignan mo, mas grabe pa ang pag-iyak mo kesa dun sa taong nasa movie. Eww, emo lang 'teh?"
Sinimangutan ko lang siya't tinignan ng masama sabay muling suminghot ng malakas at nang may naramdamang luhang papabagsak ng mukha ko ay agad 'kong ginamit ang tissueng pinagpunas ko kanina ng sipon pangpunas naman sa mga basang mata ko.
"Yuck, Kath! Bwisit, ang kadiri nito!" rinig ko pang reklamo ni Hannah sabay layo sa'kin at ini-abot sa akin ang lahat ng tissue na sabi 'kong dalhin niya para kung sakali mang umiyak siya eh, magamit niya pero ako ata ang nagmukhang tanga at ngayon eh, hindi na mahinto-hinto sa pag-iyak sa tabi niya.
"Che!" agad ko namang sabat sa kaniya tsaka inagaw ang hawak-hawak niyang popcorn at kumain. "Nakikitingin ka na nga lang sa maganda 'kong mukha, magrereklamo ka pa? tsk. Hiyang-hiya naman ako sa'yo ah!" sabi ko pa tsaka ngumuya muli ng popcorn at ini-abot ito sa kaniya. "Oh, gushto mo pa?" aya ko sa kaniyang agad naman niyang inilangan kasabay ng pag-iwas niya ng tingin.
"A-ah no thanks. Sayo na 'yan. Hehe. Sayong-sayo na." sabi pa niya tsaka itinuon na lamang sa TV ang paningin kesa sa mukha 'kong pinuno ata ng tissue ang ilong at bibig.
Tumango naman ako at tsaka muling tumingin sa TV at mag-iiyak na parang ewan.
Nandito ako ngayon sa bahay nina Hannah, well hindi naman talaga ata 'toh bahay kasi nagmukha na 'tong mansion sa sobrang laki na pinuno ng iba't-ibang painting na si Hannah lang din ang may gawa. Oo, iba talaga 'pag mayaman.
Kung hindi niyo naitatanong at kung ayaw niyong itanong na sasagutin ko din naman kahit ayaw niyo, si Hannah ang best painter ng school namin. At sa tuwing may nagaganap na competition, siya ang pambato ng school namin at naka-ilang beses na rin niyang nadaya ang competiton--este, napanalunan ang bawat competition na nasalihan niya.
Oo, talagang passion ng bruhang 'toh ang art 'yun nga lang, hindi masyadong boto ang mga magulang niya sa pangarap niyang maging artist dahil ang mga gusto nito ay ipamana kay Hannah ang kumpanya nila't sa pagka-graduate namin ng Grade 12 ay unti-unti nang ipapa-handle sa kaniya ang buong kumpanya ng kanilang pamilya.
Nalulungkot 'tuloy ako para sa kaniya at ang sarap lang sabihing, mahirap talaga 'pag mayaman.
"Tsukurimashou, tsukurimashou." pagtutunog ng cellphone ko, hudyat na may tumatawag at.. may paparating na gyera.
![](https://img.wattpad.com/cover/3259349-288-k890249.jpg)
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.