Chapter 14 * Alipin *

3.4K 68 7
                                    

Kath

Damn, inis na sabi ko't napakamot sa ulo dahil may kuto--este, dahil sa sobrang sakit nito. Ayos, sabi ko pa't dumiretso sa banyo para lang salubungin ang mukha 'kong iniyakan ata ang lahat ng problema ng Pilipinas, pwede na 'kong mag-bida sa Halloween special ng school namin.

Agad akong nag-ayos ng sarili ko't naghanda para sa school pero kahit na anong ayos ko, hindi ko na ata magawa-gawang ayusin pa 'tong 'tila isinumpang mukha ko. Kainis. Ilang shabu ba ang nilaklak ko't ganito ang pagmumukha ko?

Matapos 'kong gawin lahat ng gawain ko, agad na 'kong tumalikod upang maghanda papasok sa school pero agad 'ding bumalik sa loob ng bahay sa hindi alam na kadahilanan at napatulala rito.

Napakunot-noo ako, may nakalimutan ba ako? Pero kahit ilang beses ko pang i-ikot ang mga mata ko sa paligid ay wala akong maalala't maisip na pwedeng kalimutan kaya napabuntong-hininga na lang ako't nakakibit-balikat na pumasok sa school.

Napabuntong-hininga ako, bahala na.

Napatulala ako nang makitang walang ni-isang tao akong naabutan sa school, tahimik ang paligid at mag-isa lang na nagbukas ang gate!

Napalunok ako. Ok, Kath. Kalma, mamayang gabi pa ang labasan ng mga multo. Keri natin 'toh, aja! Pagchi-cheer ko pa sa sarili ko't taas-noong pumasok sa loob, 'tila handang-handa at walang kinakatakutan pero maya-maya lang din ay muling napabalik sa labas ng gate at napakamot ng ulo. Kasi naman, nasaan sila?

Hindi nagtagal ay napagdesisyunan ko na lang ding pumasok sa loob kesa magmukhang tanga sa labas at maghintay sa himala. Agad akong dumaan sa classroom namin, umaasang sakaling may dumating na himala at nandun lang pala't nagtatago ang mga baliw 'kong kaklase pero kahit isa, wala akong nakita.

Napakunot-noo ako, wala bang pasok ngayon? Pero, malinaw na malinaw naman ang klima ah, wala din namang dahilan para mawalan ng pasok ngayon kaya, anong meron?

Muli akong nagpatuloy sa paglalakad, umaasang nandiyan lang sila't nagbabahay-bahayan sa basurahan pero kahit anong gawin ko, kahit nalibot ko na ang buong school na 'toh at binuksan ang mga basurahan. Ni isang anino, wala akong nakita!

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kainis, bandila na... Wala pa din sila?

"Ay bastos na birdie!" nagulat ako nang biglang may tumama sa'king maliit na papel na may nakatakip pang ribbon at sinasabing 'Kahit ilang beses ka mang magka-F sa Science, sa puso ko palagi ka namang A+!'

Napanganga ako, luminga-linga sa paligid at sinubukang hanapin ang kung sino mang hinayupak ang nagsulat nito't talagang pinagkalat pang palagi akong bagsak sa subject na iyon. Leche, inis na sabi ko't ilang beses pang inikot ang mga mata ko mahanap lang kung sino ang nagsulat nito. Sige na, 'kaw na perfect! Inis.

Nagpatuloy ako sa walang-hanggan 'kong paglalakad. Feeling ko, pwedeng-pwede na 'kong mag-apply bilang stalker sa kakahanap sa kanila't maging mga locker nila eh, binulabog ko na mahanap lang sila!

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon