Chapter 39 *Untold Secrets*

1.7K 41 4
  • Dedicated kay Mars, Nicole, Lex, Grace, Anne :3
                                    

Kath 

Sabi nila, hindi daw masama ang mangarap ng gising, ang umasa sa mga bagay na kasing taas ng mga bituin, mga bagay na imposibleng abutin pero... pwede ba, kahit ngayon lang... Magkatotoo naman ang aking hiling?

Kathryn Ann Alonzo Cordiliia


Napalunok ako. Katulad ko ay nagsisiksikan rin ang mga estudyante sa tapat ng bulletin board kung saan nakapaskil ang iba't-ibang school announcements pero, iba ngayon. Hindi lang basta-basta prom, acquaintance party, at kung anu-ano pang che che buretche ng mga Student Council at ilang mga School Stuff ang makikita roon kundi, ang pinakamahalaga at talagang taun-taong pinakahihintay na listahang naglalaman ng mga pangalan ng mga estudyante ay naroroon din. 

Ilang beses kong idinilat ang mga mata ko. Muli ay ipinikit at idinilat ko rin agad 'toh upang malaman kung nananaginip lang ba ako o talagang nandiyan.. Ang pangalan ko, talagang nakasama sa listahang iyan.. 

TOP 10 4th Year HS Students (Batch 2012-2013)

Gold Awardees

Shin Rey Cordillia 

Shaun Michael Gomez

Kathryn Ann Alonzo Cordillia

KC Dela Cruz

Marielle Bautista

Silver

Hannah Mae Reyes

Nicole Reodica

Alex Feolino

Bronze

Grace Aguilar

Anne Dar

Napalunok ulit ako. Tinitigan ko ulit yung mga pangalan ng listahang iyon at tsaka nagpabalik-balik sa pangalan kong nakasama sa listahan ng mga pangalang nakapaskil roon. Hindi ako makapaniwala. G-gold... TOP 3? As in... REALLY??? 

T-teka, baka nagkamali lang. Baka Kathryn Bernardo pala ang nakalagay doon at hindi Kathryn Cordillia! Hehe, oo. Baka nga! Pero, bakit?? Bakit imbes na Bernardo ang kasunod ng pangalang Kathryn eh... Cordillia ang nakikita ko?

Kathryn Ann Alonzo Cordillia

Oh kitams. Hindi lang yan naka-bold, italized pa! Pero, di nga? Ako ba talaga yan? AS IN?? 

Upang mapanigurado, ipinagsiksikan ko ang mukha ko sa listahan ng TOP 10 Students. Tinitigan kong mabuti ang pangalang nakalagay roon at kahit hilahin ako ng ibang estudyante at paalisin roon eh para akong si Starfish Patrick na tuluyan nang nadikit roon. 

Humaygad. Pinanlakihan ko pa ang mata ko at parang nanalo lang sa Miss Universe na napatakip ng bibig with matching teary eyes matapos masuotan ng korona. I-i can't believe it. I did it... Kathryn Ann Alonzo Cordillia... Gold, TOP 3 AWARDEE! KYAAH!!! 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon