Chapter 27 * Wedding Photo *

2.6K 40 12
                                    

Kath

"Meow." sabi ng alaga 'kong pusang si Shen, bisayang version ni Shin kasabay ng pag-haplos ko sa balahibo nito. 

"Mommy." paulit-ulit namang sabi nung manika 'kong si Kate, gulong-gulo ang buhok, tadtad sa blush-on ang mukha't parang ilang beses pang nasampal at halos magmukha na ngang Christmas Tree nang punuin 'ko ng kung anu-anong sinulid ang mukha't katawan niya. 

Agad ko siyang hinarap at nginisian habang naka-angat ang dalawa 'kong kamay na may hawak-hawak na namang mga sinulid, oo, may kayamanan ata ako nito. "Bakit, gusto mo pa? Tara, dagdagan pa natin. Wahahaha!" 

"A-ah." pagtikhim nung kaharap 'kong si Kc sabay napa-iwas ng tingin nang makitang nalaglag na ang ulo ng manika sa mismong paa niya matapos ko itong sakal-sakalin at pinakalmot pa kay Shen. 

Nginitian ko naman siya ng malapad sabay ini-angat ang magaling 'kong alagang si Shen at sinabing, "Bakit?" 

"K-kelan ka pa naging kamag-anak ng step-mother ni Snow White--este, anong klaseng cake pala 'yung gagawin natin?" 

Marahan ko munang ibinaba si Shen bago muling humarap sa kaniya't parang wala lang na sinabing, "Skull cake." bigla naman siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko't slow-motion 'pang nalaglag ang panga. "Kung gusto mo, 'yung cake na may itsura ni Anabelle. Oo, maganda 'din 'yun." 

Tuluyang nalaglag ang panga ni Kc sa sinabi ko't agad napaface-palm habang sinasabing, "Utang na loob. Advance Halloween ata ang magiging score 'ko dito sa activity." 

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya't muling hinawak-hawakan ang mabait 'kong alagang si Shen habang 'yung mga magagaling 'kong kaklase ay nagpunta-punta na sa sari-sarili nilang mga partners at matinong nagplano ng cake na gagawin nila para sa activity namin next week. 

"You may eat your lunch." sabi ni Sir nang matapos ang klase't pina-alala pa ulit kami para sa activity na gagawin namin next week, tumango naman ang mga kaklase ko't bumati pabalik kay Sir--oo, sila lang talaga. 

 

At katulad ng nakagawian, agad nagsi-unahan ang mga Rated PG 'kong mga kaklase't halos magkabanggaan na makarating lang sa canteen, samantalang kaming dalawa ni Shen ay nahuli rito sa classroom at naiwang mag-isa.

Napabuntong-hininga ako, agad pinakawalan ang kinuha ko lang sa kalyeng pusa at napapikit ng mga mata nang muling maalala ang mga salitang binitawan ni Hannah. 

"He's leaving, Kath." 

Napa-iling ako, mariin na idinilat ang mga mata't halos paluin ang sarili 'kong mga mata nang maramdaman na namang unti-unting lumuluha ito't tinatraydor ang sinasabi ng utak ko. Napakagat-labi ako, damn this tears. 

Tumayo na ako, agad kinuha ang bag ko't mariing pinunasan ang mga luha ko habang papalabas ng classroom pero agad 'ding napatigil nang  bigla 'kong marinig ang mga salitang iyon. 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon