Kath
"What is the french word of feathers?" Muling pagpapatuloy ni Kc, tinitigan pabalik-balik ang tatlong katropa niya't agad itinago ang hawak-hawak niyang librong may iba-ibang french word na siyang dadalhin ko papuntang France.
Yes, it's official. I had already made my final decision. I'm leaving... Shin.
"Fried Chicken." Agad na sagot ni Marielle, kumagat 'pang muli sa baon-baon niyang pang-lima na atang box ng Peppero na hawak-hawak niya't tinaasan ng kilay ang mga katropa niya nang pagkunutan siya nito ng noo. "What? May feathers ang manok, diba? Duh."
Napaface-palm na lamang ang mga katropa niya sa isinagot niya, nagkatinginan pa sila't 'tila nagkakaintindihan sa iisang tinginan lamang habang mahinang sinasabing, wala nang pag-asa 'toh guys, saan ba ang pinaka-malapit na Rehabilitation Center dito? Malaki na ang problema nito, masyado na siyang na-adik sa pagkain at wala nang ibang alam sabihin 'kung hindi pagkain!
"Utang na loob!" Inis namang sabi ni Alex, tinitigan pa ng masama ang kaibigan niyang si Kc sabay naka-simangot na sinabing, "Wala tayo sa France, ok? Nasa Pilipinas tayo kaya tigil-tigilan mo kami diyan sa mga tanong mo!"
"Wala pala kayo eh." Bigla silang napatigil nang marinig ang boses na iyon, sabay-sabay na napalingon sa likod nila't halos mapa-irap na lamang nang makita ang nakangisi't nakataas-noong mukha ni Nicole.
Nagkatinginan na lamang sila, sabay-sabay 'pang napamasahe sa noo nila't mahinang napa-bulong, ayan nanaman po siya, guys. Ihanda niyo na ang inyong mga sarili..
"Sige nga!" Nanggigigil na sabat ni Marielle, dinuro-duro pa si Nicole gamit ang Peppero stick's niya't habang unti-unting ngingatngat ito ay inis na sinabing, "Ano 'yung french words ng feathers, 'ah? Sagutin mo-"
"VALAHE VOU!"
"Alam na this, guys." Mahinang bulong ni Kc, tinitigan pa sa mga mata ang mga katropa niya maliban kay Nicole sabay mahinang sinabing, "In.. One.."
"Two.." Dagdag bilang ni Marielle na agad dinugtungan ni Alex.
"Three.."
"BATOK!!" Malakas na sigawan nila sabay binigyan ng isang malakas na batok ang kawawang kaibigan nilang si Nicole na halos makakita na ng mga naglili-parang mga bituin sa ulo niya.
Nakasimangot na lamang na napamasahe si Nicole sa kaniyang ulo, mangiyak-ngiyak 'pang tinititigan ang mga katropa niya't parang kawawang tuta lang na sinabing, "Sinasagot ko lang naman ang tanong niyo eh, hindi niyo naman sinabing bawal ang maling sagot kanina eh! Huhu, bakit ba ang sama-sama niyo?"
Napa-iling na lamang kaming dalawa ni Hannah sa mga kalokohan nila, muli ay napatingin sa kawalan kasabay ng muling pagtatanong sa kanila ni Kc.
"Seryoso na 'toh, ah." Walang emosyong sabi ni Kc, tinitigan ulit ang mga katropa niya't sinabing, "What is the french word of Bald-"
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romantik'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.