Kath
Shet, ang ganda ko! Paulit-ulit 'kong sabi habang nakatitig sa sarili ko sa salamin sabay posing na parang model sa isang high-fashion magazine. Grabe, ang ganda ko talaga--
"Tsk. Ang panget talaga." napatigil ako sa pagpapantasya 'kong high-fashion model nang biglang pumasok 'tong panget sa kwarto ko kasabay ng pagtapat niya sa mukha ko ng relo niya. "Tatlong oras na akong naghihintay sa baba, akala ko kung napa-ano ka na tapos a-abutan lang pala kita ditong nakatunganga sa salamin habang naka--"
"Sige ipagpatuloy mo!" inis na sabi ko at tsaka sumimangot sa harapan niya. "Sabihin mo pang nakanganga ako habang nakataas ang kili-kili!"
Napa-iling na lang siya sabay ngumiti habang inilalahad ang kaniyang kamay sa harapan ko. "Lets go?" Damn, inis na sabi ko habang unti-unting nilalagay ang kamay sa palad niya. Pwede na siyang magmodel ng toothpaste sa sobrang kislap ng ngipin niya.
"Tara na nga!" inis na sabi ko at tsaka kami dumiretso sa baba at sumakay sa kotse niya't nagsimula nang bumyahe paalis ng bahay.
Oo, lalayas na kami. Magtatanan na kami't bubuo ng sarili naming pamilya--chos, but honestly aalis talaga kami ngayon. Why? Because.. Manganganak na ako! Hahaha---chos ulit. Pero yung totoo, today is my bestfriend's 18th birthday!
Today Hannah, once was the little girl I used to bully before, the first ever person who knew the best and worst parts of my life and my only bestfriend, is now a gorgeous and a true elegant lady.
Nagulat na lang ako nang biglang buksan ni Shin ang radyo kasabay ng marahan na pagtapik ruon ng gitara.
Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Na 'di alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na 'di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling
Sa buong buhay ko
Napalunok ako, hindi malaman kung saan itutuon ang atensyon. Kung sa mga ilaw ba sa labas o sa 'tila bituing kumikislap na mukha ni Shin na ngayon ay may unti-unting gumuguhit na ngiti sa labi habang nakikisabay sa kanta.
Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't
Sinisipa't nasusugatan mo
Ikaw pa rin
Walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.