Kath
"Ay kamag-anak ni Zuma!" gulat na sabi ko pagkakita ko sa sarili ko sa harapan ng salaming kahapong sinasabi sa'king Oh Kath darling, napakaganda mo! Pero ngayon? Isang dumadagundong, masakit sa feelings at mapanampal lang naman sa mukhang isang, Shit, Kath! Ilang uling ba ang nilamon mo kagabi at bakit 'pati mukha mo naging pang-advance celebration ata ng Halloween?
"Kainis." nakasimangot ''kong binuksan ang gripo at sinimulang mag-hilamos para mag-anyong tao naman kahit papa-ano.
Shit na Shin. Paulit-ulit na sabi ko, padabog pang pinunasan ang mukha ko ng towel habang napapakagat-labing ina-alala ang mga nangyari kagabi. Bwisit, bakit hanggang gilid lang? Dapat ginawa na niyang buong labi para sure win--este, Kath.. Ano ba!
"Good morning." nanlaki ang mga mata ko, unti-unting napalingon sa likod ko at duon ay nakita ko si Shin na nakapamulsa habang nakangising sinabing, "Sleep well last night?"
"Leche." inis na sabi ko at tsaka siya sinimulang paghahampasin muli ng unan sa mukha. "Bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo ako hinalikan? Shit. Nabitin ako dun ah--Este, ang bastos mo talaga!"
Paulit-ulit naman siyang tumatawa habang patuloy na umiiwas sa mga unang binabato ko sa kaniya. "Haha! Kawawa ka naman, mukha ngang di ka nakatulog ng maayos." nakangising sabi niya sabay salo dun sa unan at ibinalik ruon sa kama ko, "Tignan mo, kitang-kita ko 'oh. Pink rabbit, really?"
Nanlaki naman ang mga mata ko't unti-unting napalingon down there sabay napanganga nang makitang wala na pala akong suot-suot na pajama at naka-panty na lang! Marahil ay nahulog na 'yon (pajama ko) sa kama dahil sa ilang ulit 'kong paggugulong-gulong roon dahil sa nakakabiting halik ng panget na 'toh--este, dahil hindi ako makatulog!
"Bwisit!" nanggigigil na sabi ko sabay kuha ng unan pantago ruon at pinagtutulakang pinalayas sa kwarto ko ang panget na 'toh. "Lumayas ka! Layas! Shemay, ang manyak mo!" Shit men. Maluha-luha kong sabi sabay napakagat-labi. Ang pink rabbit ko!
"Haha! Ok, ok! Ito na, lalabas na!" tumatawa pa ring sabi niya habang naka-angat ang dalawang kamay sabay sinabing, "Don't forget to look 'human' later, ok? Pupunta tayo kina Dad." rinig ko pang sabi niya matapos kong saraduhin ang pinto.
Napakagat-labi ako. Shit. Nai-bulong ko na lang sabay muling tingin sa sarili ko duon sa malaking salamin ng kwarto. Mag-mukhang tao.. Sa lagay na 'toh?
***
"Good morning young master." sabay-sabay na pagbati ng mga katulong sa pagdating ni Shin. Oo, ang lakas talaga maka-Boys Over Flowers dito. Nakayuko pa ang mga ulo nito't parang pagnag-angat ng ulo eh, mapuputol ang mga leeg nila dahil sa sobrang pagyuko.
Tumango lang naman ang isang 'toh sa tabi ko sabay nilagay ang isang kamay sa bulsa habang 'yung isa naman ay nakahawak sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.