Kath
"SHET!" nanggigigil na sigaw ko pero nagmukha ata iyong tili ng isang fangirl na hinalikan lang naman ng idol niya. Napalunok ako ng malalim. Naman, b-bakit niya ako hinalikan?
Agad ko siyang itinulak palayo sa akin. Mabuti na lang at lasing siya at kahit matigas ang katawan niya ay nagawa ko siyang ilayo sa akin. Shit, ang first ko. Shit, ang pinaka-iingatan ko.. Shit! Shit! Shit!
"Kath.." ayan nanaman po siya, hindi mo malaman kung talagang may matinding pangangailangan ba o sadyang madamo ang pangangailangan niyang iyon.
"Che! Kath ka diyan! Don't you ever move an inch close to me!" nanggigigil ako, hawak-hawak ko ang labi ko gamit ang mga nanginginig kong kamay at tumitig sa kaniya gamit ang matatalim na mga mata. Kung pwede nga lang matusok siya ngayon sa talim ng paningin ko para mawala na siya ng tuluyan, ay naku. Please lang, NOW na! "Bakit mo ginawa 'yun? B-bakit mo ako hinalikan? At isa pa.. Sagutin mo 'yung pangalawa kong tanong! Argh!" Napapakamot na lang ako ng ulo sa sobrang frustration.
Imagine, yung first kiss mong pinaka-iingatan mo. Yung unang halik mong dapat ay magiging pinaka-special na memory ng buhay mo ngayon ay 'tila pinagbagsakan ng lanhit at lupa at imbes maging 'best' ay naging worst part of your life. Shit. Nakakainis talaga.
Nakatitig ako sa kaniya gamit ang mga matatalim kong mata, nakacross-arms pa't hinintay ang magiging sagot niya pero, sa lahat-lahat ng sinabi ko. Alam niyo ang naging sagot lang niya?
"Kath.. Baby--AWW!"
"CHE! Sana mabaog ka!" nanggigigil na sigw ko matapos ko siyang sipain to the part where it hurts the most at tsaka nagmadaling tumalikod upang talikuran siya.
Kainis. Bakit ba sa lahat-lahat ng lalaki sa mundo, siya pa ang itinadhana sa aking pakasalan ko? Naman, hindi lang siya malas sa buhay ko.. Panira pa kamo!
"K-kath I-i love--" pero bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin at bago pa man ako tuluyang maka-akyat sa kwarto ko, nanlaki na lang ang mga mata ko nang biglang nakarinig ng malakas na pagkabagsak ng tao.
Napanganga ako. A-ano 'yun? Anong nangyari?
Agad akong napalingon at nanlaki ang mga mata nang makita ruong nakahiga sa sahig si Shin, nakapikit ang mga mata at katulad kanina ay yummy pa rin--este, nakatopless pa rin!
Mabilis ko siyang nilapitan, kinalabit at pinagtutulakan para lang magising. "Hoy Shin! Ok ka lang? Gumising ka na diyan! Please, wag mo naman akong pagbuhatin oh!"
Pero, ano pa nga bang aasahan mo sa taong tulog?
"Asdkhlg" Kesa sagutin ako ng maayos, natulog lang naman, nakapikit ang mga mata at humilik pa!
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.