Chapter 16 * Weakness *

3.1K 64 4
                                    

Kath 

"Sige, ooh. Sige, sige pa." sarap na sarap 'kong sabi't hindi mapigilang mapakagat-labi. "Shet. Sige pa, Shin. Sige lang." 

"Damn." rinig 'kong bulong niya't pinagpatuloy ang ginagawa niya. "Kath, pinapagod mo ako." 

"Che!" inis na sabi ko't napa-sabunot pa sa kaniya. "Bilisan mo! Sabing bilisan mo!" 

"Oo na! Eto na! Tsk." inis namang sabi ni Shin sabay ini-angat ang 'tila malaking suklay na hawak-hawak niya't ginamit pangkamot sa akin. "Oh, saan pa? Tss. Nangangalay na ako!" 

Napangisi naman ako't itinuro sa kaniya ang kaliwang bahagi ng likod ko upang ipakamot sa kaniya. Wala naman na siyang ibang magawa't napapakamot na lamang sa ulong ini-angat ang pangkamot at sinimulang kamutin na naman ang likod ko. 

Napangisi ako nang makita ang itsura niya, nakakunot ang noo't halatang nangangalay na ang kamay sa kakakamot sa likod ko. Napakagat-labi ako't pinigilan ang sarili akong mapatawa ng malakas.

Katulad nga ng sabi niya, alipin ko na siya't ngayon eh, talagang binibigyang-diin ko na't sinisimulan na ang pagpapahirap sa kaniya. Wahahaha! 

"Shit!" inis na sabi ko't tinignan ng masama ang ngayong kawawang si Shin na talagang ipinag-suot ko ng pink na apron kahit ilang beses pa siyang nagmaka-awa dahil sukang-suka daw talaga siya't hindi magawang sikmurain ang kulay na pink.

Inirapan ko siya't ini-angat ang platong pinaglagyan niya ng niluto niyang beef-steak na favorite food ko. "Yung totoo, pagkain ba ang tawag mo dito?" sabay inis ko pang itinuro ang beef na iniluto niya't napangiwi. "Hindi lang siya sobrang tigas, ang alat pa! Tsk." 

"Eh kasi naman!" agad na sabat niya't napakamot pa sa ulo niya habang nakakunot-noong nakatingin sa akin. "Alam mo namang hindi ako marunong mag-luto, magaling lang akong kumain! And, I already warned you earlier but you still insist--" 

"Ano? Ano 'yun?" bigla naman siyang napatigil sa pagngiwi niya't pagsisimangot sa harapan ko nang titigan ko siya ng matalim sa mga mata't sinabing, "Ano 'yun alipin ko? Nagrereklamo ka ba?" 

"A-ah." parang natataranta naman niyang agad na reaksyon at mabilis na ikinuha sa harapan 'ko ang iniluto niya. "S-sabi ko nga, magluluto na naman ako. Haha, oo! Tama! Para sa master ko!" ngiting-ngiti pang sabi niya't agad tumalikod sa akin habang papadiretso na sana ulit sa kusina nang marinig ko bigla ang ibinubulong-bulong niya habang nagmi-makeface pa sa likod ko sa salamin. "Tsk. Master-master, kainis--Ouch!" 

"Ano 'yun, alipin ko?" nakangising sabi ko't ini-angat pang muli ang takip ng rice-cooker na ginamit 'kong pang-palo sa ulo niya. "May sinasabi ka?" 

"Wala po, 'Master!'." pagdidiin pa niya sa salitang 'Master' tsaka dali-daling pumasok na sa kusina bago ko pa man siya mabiktima ulit ng hawak-hawak 'kong takip ng rice cooker. 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon