Chapter 44 * Happy Ending *

2.3K 41 16
                                    

Kath

"One, two, three." Muling pagbibilang ni Shin, hawak-hawak pa ang kamay ko't patuloy na nagbilang habang iniikot-ikot ako, Napangiwi ako, kamusta naman ang brain cells ko? "Five, six, seven, eight-Shit."

Mariin akong napakagat-labi, nakasimangot na tinititigan ang ngayong napapangiwi sa sakit na si Shin habang hinahawakan ang paa niyang sa pang-walong beses ay naapakan ng mahiwaga 'kong 3 inches lang namang heels. Napakagat ako sa kuko ko, shet. Bakit pa ba kasi ako ang napili dito?

"O-ok ka lang?" kagat-kuko 'kong tanong sa kaniya, lumapit pa sa kaniya't sinubukang hulihin ang tingin niya.

"A-ah." Nakapikit matang daing niya, hawak-hawak pa 'rin ang kawawang paa niyang naapakan ko't napapa-iling.

Napakagat-labi ako at tuluyan nang umupo sa sahig para pantayan siya't hinawakan ang kamay niyang hawak-hawak pa 'rin ang paa niya. "S-sorry, masakit ba? Saan? Dito?" kinakabahang tanong ko, pahigpit ng pahigpit ang hawak sa kaniya sa tuwing mapapangiwi siya sa sakit.

"O-oo, shit. Ang sakit talaga." Napalunok ako, hinarap ang 'tila tinatawag ng kalikasang pagmumukha ni Shin at hinawak-hawakan ang paa niyang masakit, minamasahe at hinihipan-oo, ang tanga ko. Wala namang sugat pero hinihipan ko, eh sa hindi naman ako pinanganak na nurse eh! Ano bang alam ko sa panggagamot?

"M-masakit pa ba?" nakakunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Oo." Agad na sagot niya, hinawakan pabalik ang kamay ko't nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla niya itong itinapat sa abs niya't sinabing, "Ang sakit-sakit talaga, pakimasahe nga?"

Agad ko siyang tinulak palayo kahit medyo-medyo lang namang labag sa kalooban ko, dahilan para matumba siya't mapadaing muli sa sakit nang sa pang-siyam na beses ay naapakan ko ulit ang paa niya dahil sa aktong pagtayo ko.

"Aww!"

Mariin akong napakagat-labi nang marinig ang malakas na daing niya, muli ay bumalik sa pwestong katabi niya't hinawakan muli ang paa niyang naapakan ko.

"S-sorry, ikaw kasi eh! Minamanyak mo nanaman ako! Tss." Inis na sabi ko't inirapan pa siya pero agad 'ding nagpanic nang mas lumakas ang sigaw niya dahil sa napalakas palang pagmamasahe ko sa paa niya.

"Shit!"

"S-sorry!" agad na sabi ko't mas lalong lumapit sa kaniya pero agad na lang 'ding napaatras nang bigla siyang mag-angat ng tingin at harapin akong nakangisi sabay sinabing..

"Uyy, concern siya sa akin."

"C-che!" agad na sabat ko sa kaniya, umirap-irap pa't napacross-arms habang kunyaring iritadong nakatingin sa kaniya. "O-oo, concern siya sayo. T-tama, si Donya Maria Asuncion de Bora na matagal nang nakatayo sa likod mo, o-oo talaga. Concern na concern siya sayo." Pananakot ko pa sa kaniya kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan ko nakuha ang mahabang pangalang iyon kasabay ng muling pag-ngisi niya sa akin at pag-tayo.

"Fine." Sabi pa niya't nakangising inabutan ako ng tubig. "I'm just happy that finally, you're talking to me again."

Bigla akong nabilaukan dahil sa sinabi niya, ilang beses 'pang napa-ubo dahil sa sobrang gulat kasabay ng mabilis naman niyang pagtapik-tapik sa likod ko't muli ay pina-inom ako ng tubig.

Napasimangot na lang ako, oh puso. Kalma, please? Mamamatay ako ng maaga nito eh! "Ok ka lang?"

Tinitigan ko siya ng masama at pinagtaasan ng kilay. "Nabilaukan na nga ako't lahat-lahat, tatanungin mo pa ako niyan? Medyo shunga lang-" inis na sabi ko't handa na sanang pasimpleng tumakas mula sa madugong pagpa-praktis namin dito nang mabilis niyang biglang nahawakan ang kamay ko't nakangising sinabing..

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon