Chapter 21 * Chance *

2.7K 54 11
                                    

Kath

"Goodmorning class, are you done with the activity I asked you to do yesterday?" salubong agad sa amin ni Ma'am pagkapasok niya sa room, suot-suot muli ang kaniyang malaking salamin kasama ang forever na atang naka-taas niyang kilay. "You may pass it no--" pero hindi na nagawa pang tapusin ni Ma'am ang sinasabi niya nang parang namatayang tumayo si Marielle at walang sabi-sabing nilagay nito sa desk ang short-story niya. 

"Goodbye, Christian Grey. I will miss you." sabi pa nito't parang nilalamayan pa ang papel niya habang yakap-yakap ito. "I'm sorry, I'm so sorry." tas madrama siyang umalis sa harapan at umiyak ng walang hanggan sa upuan niya. 

Nagkatinginan kami ng katabi 'kong si Hannah at parehas ding napakunot ang noo nang mapatingin sa Hugot Queen naming si Marielle, anong nangyari dun? 

"Pagsensyahan niyo na." agad namang sabat ni Nicole sabay tapik sa likod ng katropa. "First time niyang gumawa ng Teen Fiction, feeling niya pinagtaksilan niya ang pinakamamahal niyang si Christian Grey." sabi pa niya't agad tinakpan ng makapal na libro ang mukha niya nang makasalubong ang naka-taas na kilay ni Ma'am at bumulong-bulong, Shemay. Ba't nga ba ako nagsalita? Shet, wala nga pala akong gawa--

"How about you, Ms. Reodica? Where is your work?" napalunok ng malalim si Nicole nang marinig ang sinabi ni Ma'am at ilang beses pang napamura habang nag-iisip ng palusot nang biglang tumayo si Kc at walang prenong sinabing.. 

"Wala po siyang ginawa, Ma'am! Wala naman daw po kasing kwenta iyong pinapagawa niyo---" agad tinakpan ni Nicole ang bunganga ng kaibigan, ilang beses ring pinandilatan ng mga mata ito para tumahimik pero wala ring nagawa nang marinig ito ni Ma'am. 

"Ano 'yun, Ms. Reodica?" sabi pa nito't pinalo-palo na sa kamay ang makapal na librong gagamitin na naman niya pamalo sa ulo ng mga 'toh. Napangiwi ako, ok. Heto na naman po tayo. "Walang kwenta? Anong walang kwenta--" 

"What?" agad na sabat ni Kc nang makatakas na siya sa kamay ng kaibigan at sinabing, "Hindi ka nagbayad ng utang mo! Utang na loob, last year pa 'yun! Aba't bayad-bayad rin pag may time!" sabi pa nito't inirapan ang kawawang kaibigan pero agad ding natahimik ang lahat nang biglang may magsalita.

"Minsan," nagulat kami nang sa first time in forever ay biglang nagsalita sa buong klase si Emotionless Queen, Alex at sinabing, "Kailangan nating masaktan para may matutunan. Katulad ni Mars, kailangan niyang magsakrapisyo para sa grades niya."  sabi pa nito't humikab na parang wala lang nangyari. 

Bigla namang napa-angat ng ulo si Marielle at tinitigan ng masama si Alex habang dinuduro-duro ito at nanlilisik ang mga mata. "Teka, linya ko 'yan ah--" at ayun, nagsimula na naman po ang riot sa aming classroom. 

Napabuntong-hininga na lang ako, umiwas ng tingin at napalunok ng malalim nang makita ang papel 'kong pinagsulatan ko ng short-story. Mariin 'kong ipinikit ang mga mata ko, I hate myself, I really hate it. 

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon