Chapter 24 * Broken Marriage *

3.1K 44 20
                                    

Kath

"I'm more than ok, Shin." agad na sagot ko't napa-iwas ng tingin sa bigo niyang mukha nang unti-unti 'kong bitawan ang hawak niya sa'king kamay. Tipid akong ngumiti sa kaniya't sinabing, "Salamat."

Napatingin ako sa'king kamay na kaninang hawak-hawak niya't mariing pumikit nang maramdaman ang hawak niya rito. I hate this, inis na sabi ko sa sarili ko't huminga ng malalim, pinigilan ang sarili 'kong lumuha't maging tanga na naman sa harapan niya, I need to protect myself from, pain.

"Good evening everyone." natahimik ako't napatigil sa paglalakad nang marinig ang boses ni Shaun, malawak niyang nginitian ang kaniyang mga bisita't sinabing, "Thank you so much for coming--"

"No welcome!" nagulat ako nang marinig ang boses na iyon.

Unti-unti akong lumingon at roon ay nakita ko si Hannah na nanlilisik ang mga mata't 'tila makakapatay na ng taong nakatingin lamang kay Shaun na nasa harapan at 'tila natigilan rin dahil sa boses na iyon kaya bago pa man makapagsalita't magsabi na naman ng kung anong kalokohan itong baliw sa tabi ko, agad ko nang sinaraduhan ang bunganga niya't pinandilatan pa ng mata.

"Utang na loob, Hannah. Sabihin mo lang sa'kin kung gusto mo nang maputulan ng dila, don't worry, hinding-hindi ako mag-iinarte't ngayon pa lang ay puputulin ko na 'yang dila mo!"

Inirapan naman ako ng bruha't inalis ang pagkakatakip ko sa kaniyang labi at agad kumuha ng pizza ruon kahit hindi pa naman oras para kumain. Pinandilatan pa niya 'yung isang waiter ruon na gusto sana siyang pigilan sa pagkuha at sinabing, "Pwede ba, friend. Walang basagan ng trip!" inis na sabi niya't napa-iling na lang ako sa katigasan ng ulo niya't lumabas ng party para makapaghangin-hangin sa labas.

Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng lugar na ito, hindi ko rin maiwasan ang panlalaki ng mga mata sapagkat pakiramdam ko ay nasa langit na ako habang nakatitig sa magandang tanawin na ito. Napangiti ako't napatitig sa kalangitan, this is Heaven.

"I thought you're not coming." napatigil ako nang marinig ang boses na iyon, klaradong-klarado't malimig na nagmumula sa likod ko.

Unti-unti ko siyang hinarap at malalim na napalunok nang makitang muli ang mukha niya. Kunyari akong umubo at iniwas ang tingin sa kaniya't pinagtaasan pa siya ng kilay habang sinasabing,"Bakit, may nakalagay bang 'Dyosa is not allowed'--este, bawal ba ako dito?"

"Tss." nagsi-taasan ang balahibo ko nang marinig ang pagngisi niya, muli ko siyang nilingon at muntikan nang maging triplets ang mata nang makitang halos isang daliri na lang ang layo namin sa isa't-isa.

Agad akong napalunok at sinabing, "A-ano bang ginagawa mo dito? Nakikita mo namang nagmo-moment ako dito, diba? Kailangang mang-epal?" kunyari mariin at inis na sabi ko sa kaniya pero agad 'ding napakagat-labi nang marinig ang sarili 'kong nanginginig habang nakikipag-usap sa kaniya. Mabilis akong umiwas ng tingin at muli ay tinalikuran siya habang dinuro-duro siya at sinasabing, "Wag kang lalapit! May virus ako, except na lang kung balak mo na naman akong manyakin--este, kung balak mong mahawa sa virus ko--Ay, palakang may abs!"

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon