Chapter 20 * Regrets *

3.1K 61 22
                                    

Kath

"One, two, three para ka na naman diyang tanga." rinig 'kong kanta ng isang katropa ni Kc nang malakas nitong pinatugtog ang 'Come Back Home' nang lumabas si Ma'am sa classroom at nakangisi pang sinabing to the beat of 2ne1's come back home, "Nakikinig sa kantang di mo naman maintindiha-aan." 

Malakas na nagtawanan ang lahat nang marinig ang tagalog version ni Nicole ng Come Back Home bilang pangasar sa kaibigang si Kc. 

"Che." agad namang sabat ni Kc at tumayo pa't ginawa ang sayaw nina Sandara sa I don't Care habang kumakanta't nakangisi rin sa kaibigan, "I don't care-e-e-e-are!" 

At siyempre, ano pa nga bang aasahan niyo sa mga kaklase 'kong baliw? Basta't may magsimula ng kalokohan at himala sa classroom namin, aba't, wag na kayong magtataka 'kung baka mamaya ay may biglang matapong kung ano sa kamay mo't may mabahong amoy. Oo, may riot talaga dito.

"Wooh!" hiyawan pa nila't pumalakpak sa 'Dancing Machine' naming si Kc kasabay ng pag-tayo ng isang kaklase pa naming baliw at sinabi ba namang, "Suntukan na lang 'oh! Tara guys, cheer natin! Suntukan! Suntukan!" at ayun, nagsimula na nga ang awayang Pacquio VS Mayweather--chos.

"Heh!" nagulat kami sa biglang isinigaw ng kaklase 'kong mataba't 'tila namimilipit sa sakit habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan. "Magsitahimik kayo, malapit na siya.. AH!" 

"Oh, shit!" malulutong na mura ng mga kaklase ko ang sunod ko na lang na narinig nang malaman namin kung sinong siya ang sinasabi nitong malapit nang dumating. 

Bigla naman akong hinawakan sa kamay ng katabi 'kong si Hannah at parang tanga lang sinabing, "Kath, ikaw na ang bahala kina mommy at daddy. Tell them how much I love them, shet. Mamatay ako sa sobrang baho!" sabi pa niya't walang tigil na umubo. 

Napangisi na lamang ako't napa-iwas ng tingin. Hindi ako makapaniwala, sa lalim ng iniisip ko, ni-hindi ako na-apektuhan ng pasabog at ng nangyayaring kaguluhan na naman sa classroom. Napabuntong-hininga ako, damn. Focus, Kath! Focus! 

***

"Listen class," sabi ni Ma'am nang maka-move on na kami sa mas malala pang pasabog ng fireworks kanina't ngayon eh, makaka-survive na muling huminga ng maayos. "In today's activity, kinakailangan niyong gumawa ng isang short-story using the words I've given you earlier, any genre is allowed just not 'general fiction', understand?" pagdi-diin pa niya sa salitang general fiction na alam 'kong gustong-gusto ng Tropang Baliw na katulad ng inaasahan ko eh, may violent reaction agad sa narinig. 

"Inis naman, 'dun ako talented, eh!" inis na sabi ni Marielle na ngayon eh, handang-handa na sana ang mga papel at ballpen na gagamitin para sa masterpiece daw sana niyang short-story. 

"Naman!" pagkakamot naman sa ulo ng katabi niyang si Nicole sabay kuha sa cellphone ni Kc at kahit di niya keri makinig ng out-of-this-world na mga kantang kpop sa cellphone nito ay mas gugustuhin pa daw niya ito kesa sa pinapagawa ni Ma'am. "Oh, shit. Ano daw? Natatae na ako? Huh? Inis, ang bastos naman nito!" 

Napa-iling na lang ako't nagpatuloy na sa activity na pinapagawa ni Ma'am katulad ni Alex, isa pa nilang katropa na 'tila wala lang na nakikinig sa mga katabi niya't ginawa na lang din ang activity para matapos na. 

Napabuntong-hininga ako, nanginginig ang mga kamay na sinimulang magsulat sa kapirasong papel na ibinigay sa'min at halos manlaki ang mga mata sa unang salitang na-isulat 'ko, marriage.

***

"Aish, kainis!" rinig 'kong sabi ni Hannah na ngayon eh, nakaka-sampung na atang tapon ng papel sa basurahan. Kunot na kunot ang noo niya't mariin na ipinikit ang mga mata habang sinasabing, "Utang na loob, isang oras na tayong nandito.. Wala pa 'ring pumapasok sa utak 'kong matinong plot!" 

Napangisi na lamang ako nang mapatingin sa kaniya't nakangiting pinagpatuloy ang gawain. With this word, matatapos na ang gawain ko--ay, babaeng pancake! Nagulat na lang ako nang isang salita na lang ang isusulat 'ko eh, biglang may humablot nitong kung sinong epal at nanlaki na lamang ang mga mata 'ko nang makitang hawak-hawak na pala ito ng katabi 'kong si Hannah at malakas na sinasabing.. 

"My Wicked Husband? What the--" at bago pa man siya matapos sa kaniyang sinasabi, agad 'ko nang sinarado ang bunganga niya't nilingon ang lahat ng mga tao sa Canteen na biglang napatingin sa amin dahil sa kadaldalan nitong bestfriend ko. 

"Tignan niyo 'oh, si Daniel Padilla!" mabilisan 'kong pagtuturo sa kawalan para makawala sa mga matutulis na tingin nila't katulad nga ng inaasahan ko eh, basta ba naman Teen King ang banggitin mo eh, hindi mo mapagkaka-ilang mapapalingon agad ang mga tao pag narinig ang pangalan niya. 

Agad na 'kong tumayo at kinaladkad palabas ng Canteen na iyon si Hannah na ngayon ay matulis rin ang tingin sa akin at nakangising sinasabing, "Di pa daw ready lumaban, takot pa daw magmahal pero tignan mo 'toh, ang nakalagay na pangalan? Shi--" 

"Shut up!" inis na sabi ko't binitawan na ang kamay niya nang makarating kami sa garden ng school. "Pwedeng wag 'kang maingay? Kainis, kailangang ipagsigawan sa buong mundo ang title ng story ko?" 

"Eh bakit ba?" nakangisi pang sabi niya't kinurot-kurot pa ako sa bewang. "Ikaw ah, ayaw mo pa kasing sabihin eh. Aminin mo na kasi, you love him.. You love, Shin!" 

"No, I don't!" agad na sagot ko, hinarap pa siya't matigas na sinabing, "I don't love him. I don't even feel a single thing about him--" pero hindi ko nagawa pang tapusin ang sinasabi 'ko nang makita ang taong iyon, ang taong laman ng storya ko't ang taong nakatingin sa akin ngayon gamit ang mga bigong mata. 

"Shit." inis na sabi ni Hannah sabay pinandilatan pa 'ko ng mga mata. "Kailangan talagang ipagsigawan, Kath? Ganiyan na ba kamanhid ang puso mo?" 

Napalunok ako, katulad niya ay nakatitig lang din ako sa kaniya't gusto sanang sabihing, Shin, hindi 'yun totoo.. Shin.. Pero, huli na ako. Agad siyang umalis sa harapan ko't iniwan ako ruong walang tigil na pinapagalitan ng nanay--este, ng bestfriend 'kong si Hannah. 

Napabuntong-hininga ako, napatulala sa pwestong kina-tatayuan niya kanina't napapakagat-labing sinabing. I shouldn't have said that. Shit, I regret everything that I just said!

***

Author's Note: Last update for the day, chapter 21 will be posted tomorrow. And yes, wala na 'pong part 2. Haha, nagbago isip ko. Vote and comment, guys! Thanks :)

My Wicked HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon