Kath
"Emeged. I am so kinikilig!" pang-sampung beses na atang ulit ni ate Elaine, ang babaeng tinatawag na ate ni Shin na hindi naman niya palang totoong kapatid at inampon lang ng mama niya--siyempre, himala na lang kung magkapatid nga talaga sila kasi kung oo, bakit ata naging demonyo ang isa?--habang naka-sandal ang ulo sa balikat ni Shin at yakap-yakap ang braso nito.
Napatulala ako, muli ay tinitigan sila mula ulo hanggang paa at napa-iwas na lamang tingin nang maaninag ang sarili ko sa kutsarang gamit-gamit ko. Marahas ko itong inangat at isinubo sa bibig ko kasama ang ice cream na inilibre sa amin ni ate Elaine. Napasimangot ako, ano ba talagang role ko dito? Asawa o pang-display lang?
Ang laki-laki ng ngiti ni ate Elaine, halatang miss na miss na nga niya ang kapatid niya't tuwang-tuwa pa siyang kurut-kurutin ang malaki at matigas na braso nito. Mas lalo akong napasimangot, Bakit parang mas lalo ata akong nagugutom--kain lang ng kain, Kath. Kain lang ng kain. Muli ay kinurot niya pa ito ng isang beses at biglang sinabing,"Ang laki-laki na talaga ng Baby Shin ko!" nanlaki ang mga mata ko at agad napa-inom ng tubig. Mahirap na, baka di ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa pagtawa.
Biglang napa-ubo si Shin, agad naman siyang inabutan ng ate niya ng tubig at hinimas-himas pa ito sa likod. "Hey, ok ka lang? Baby Shin ko?" muling banggit ni ate Elaine kasabay ng mas lalong panlalaki ng mga mata ni Shin habang tinitignan ang ate niya't sinasamaan ng tingin. Napangisi ako, baby Shin pala ah.
"Ate naman!" inis na sabi ni Shin at sa pang-sampung beses rin ay tinanggal ang hawak sa kaniya ni ate Elaine. Napasimangot ito't cute na cute na nag-pout sa kaniyang kapatid habang siya ay tumikhim muna at napapa-iwas tinging sinabing, "Stop calling me, baby. I'm already a man!"
"Wala akonng pakialam!" agad na sabat ni ate Elaine at tsaka muling niyakap ng mahigpit si Shin. "Baby pa din kita! Tumanda ka man at magka-anak, ikaw pa din ang Baby Shin ko!"
Muling napa-ubo si Shin, this time mas malala na't mukhang masusuka na. Napakagat-labi ako't pinipigilan ang sarili 'kong matawa ng malakas. Oh God, ang masungit at hot na hot--este, ang panget na 'yon, walang-wala pala sa ate niya?
Tinitigan ako ng masama ni Shin habang marahas siyang umiinom ng tubig, 'tila nanlilisik ang mga mata at sinasabing, What the hell are you laughing?
Tsaka siya umiwas ng tingin at sa isang subuan ay inubos ang ice cream niya, dahilan para paluin siya sa braso ng malakas ni ate Elaine at mapangiwi siya sa sakit habang sinasabing, "Dahan-dahan lang sa pagkain, baby! Baka mamaya mapa-ano ka, ok?" sabi pa nito't sinubuan pa siya ng panibagong ice cream, ginalaw-galaw na parang airplane habang sinasabing, "Here comes the airplane! Open your mouth, say ah!" tsaka muling ngumiti ng malawak nang tagumpay nitong mapakain kay Shin ang isinubong ice cream kahit ilang beses niyang ini-ilag ang kaniyang sarili sa paparating raw na 'airplane'.
Mas lalo akong napakagat ng labi at humawak pa sa dibdib ko para pakalmahin ang sarili ko sa pagtawa. Oh, Shin. Ang kawawang baby Shin.
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.